29

21 0 0
                                    

Ilang araw ang lumipas. Ilang araw rin simula ng tumahimik ang buhay ko, not literally. Iwas sa'kin ang dalawang grupo, dapat masaya ako. Dapat hindi ko na pinoproblema 'yun. Dapat nagpapakasaya na lang ako dahil hindi na nila guguluhin ang buhay ko, hindi na nila ko pag aaksayahan pa ng panahon. Dapat masaya ako na wala ng mga kumag na 'yun sa buhay ko.

Pero bakit kahit anung pilit ko hindi ako masaya?

"Lintek!"  sigaw ko at inis na binato ang hawak ko.

"O my g! Hoy Wren— anong nangyayare ha?!" tinignan ko ang nagsalita nun. Dinadampot niya mga ipit. "Bakit mo naman sinira ang lagayan ng ipit? Nagkanda hulog tul— hoy saan ka pupunta?!"

Hindi ko siya nilingon, at wala rin akong balak na lingunin siya. Lumabas ako ng room. Wala namang problema sa paligid. Parang wala lang ang mga nagyayare.

Naglakad ako at umakyat na sa hagdan. Walang masyadong tao dahil alam kong iwas ang mga tao dito. Tumaas ako at kahit nakakapagod ay pinilit kong akyatin 'yun.

Hindi ito nakalock kaya hindi na ako nag aksaya pa na pumasok. Tumambad sa'kin ang hangin na nagmumula dito. Kita ko rin ang upuan na 'yun.

Upuan kung saan nakita ko ang pangalan niya.

Sinarado ko ang pinto at naglakad  sa upuan na 'yun. Natawa ako dahil naalala ko na naman ang ginawa ko sa isa sa myembro nila Vouhn.

Tandang tanda ko pa.

Napailing ako dahil naalala ko na naman 'yung parteng pinagtaasan ko siya ng middle fing— pfft.

Pero may parte sa'kin na naiinis. Dahil sa kanya, nasira ang cellphone ko. Dahil rin sa kanya naranasan ko ulit ang mapana— shit! Paano ba nila nagagawa 'yun?  Bakit pag natatamaan ako ng mga 'yun nahihilo ako? May gamot kaya 'yun? Likido man lang? May laboratory kaya sila para sa mga armas nila? Pinagbaba—

"Wren~" napalingon ako sa tumawag nun.

Bakit kailangan lahat sila nandito?!

"Wren!"

"Uy! Wren!"

"Kumusta?"

"Psst. Yohoooo. Wren?"

"May toyo ka ba Wren?"

Napailing na lang ako sa kanila. Kita ko ang paglapit nila sa'kin, na may ngiti.

"A-anong nginingiti ngiti niyo—"

"Patay na naman tayo."

" 'Wag kasi kayong ngingiti."

"Walang ngingiti! 'Tek na 'yan!"

"Shhh. 'Wag maingay!"

Tumigil ako ng magsalita na naman ang mga kumag.

Mga bwisit talaga.

"N-nakangiti si Wren."

"Pag tayo sinugod—"

Hindi ko na sila pinatapos pang magsalita at isa isang silang binatukang apat, bigla kasing tumakbo si Vouhn.

"Para san 'yun?"

"Sadista talaga~"

"Madaya si Vouhn, tumakbo."

"Bakit kami lang? 'Yung tatlo din!"

Tinignan ko sila Joles, Zame, Riel at Leyn na naka hawak sa mga ulo nila. "Ayun din Wren! Madaya ka naman e!" maktol ni Joles.

Tumingin ako sa tatlo. Nakatingin si Vouhn dito sa gawi namin at kumakaway na nang aasar. Inirapan ko naman si Lyrex na laging seryoso. Hindi ko na rin pinansin pa si Hade.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon