Third Person's POVTahimik na nagpakiramdaman ang lahat, lahat sila iniisip ang nangyare tungkol kay Wren. Alam nilang mali ang naging desisyon nila, alam nilang hindi kailangan maging ganto ang sitwasyon. Ayaw nilang may madamay na inosente at sabihin pang bagong estudyante ito.
Nagulat ang lahat ng may bumukas ng pinto at sinugod agad ang lalaking naka upo sa isang swivel chair at kinuwelyuhan iyon. "Gago ka!" galit na saad niya at sinuntok iyon.
Gumanti rin naman ng suntok ang isa. "Kung gago ako! Mas gago ka!" sigaw niya. "Wala ka sa teritoryo niyo Vouhn, nasa teritoryo kita!" singhal nito at sinipa ang lalaki na naka upo sa sahig.
Tumayo ito at tumawa. "Tangina ka! Kung hindi dahil sa'yo hindi mapupuruhan si Wren! Tangina mo pala e! Tapos ano gusto mong isang buw—"
"Vouhn!" sigaw ng bagong dating.
Napatingin si Jones sa pintuan at ang ibang kasama niya. Tumawa ito. "May resbak ka palang dala ha Vouhn." tawang usal niya.
Tahimik lang na nanunuod ang mga kasamahan ni Jones. Naglakad si Hade papunta kay Vouhn. "Hindi mo dapat pinapatula—"
"May armas!" sigaw ni Roi, kasamahan ni Jones.
Nagdamputan sila ng mga armas ng isigaw 'yun ni Roi pero hindi binunot ni Hade ang baril na nasa tagiliran niya. Si Jones naman ay tinutukan niya sa ulo si Vouhn.
"Tsk. Pumunta ako dito para kuhain ang akin. At ayoko ng may mangyare pang iba." seryosong saad ng leader ng kabilang grupo.
"Bakit pumunta 'tong gago mong bata ha?" maangas na tanong ni Jones at inurong ang ulo ni Vouhn gamit ang bunganga ng baril.
"Dahil hindi ako papayag na sa'yo mapunta si Wren!" singhal ni Vouhn. Wala siyang takot na hinarap ang baril kahit nakatutok iyon sa kanya.
"Kyaaaaaaahhhhh!" nagulat ang lahat ng may sumigaw kaya naglabasan ang lahat.
Wren's POV
Lumabas ako ng dorm ng masiguro na tulog na si Alynette. Alas onse na rin at doon gusto kong lumabas. Ayoko na ng katulad ng madaling araw, matik na baka mahuli ulit ako. Okay na rin 'to dahil pwede pang matulog ang mga kasamahan ng killer. Hahahaha!
Naglakad ako at lumibot ng paningin, kapiranggot na rin lang ang bukas na ilaw. Kahit ilang libot ko na dito sa paaralan na 'to hindi pa rin ako nasasanay, ni hindi ko pa alam ang ilang tawag sa building na'to. Sigurado ako na kalahati palang ng eskwelahan na'to ang nalilibot ko.
Umakyat ako sa sinasabi ni Alynette na R Dorm. Umakyat ako sa third floor. Ramdam kong may mga nakatingin, hindi lang isang pares ng mata, ramdam kong marami! Hindi ko na iyon pinansin at diretso lakad lang, may mga naririnig akong bumabagsak kaya dahan dahan akong tumakbo papunta sa dul— Wh-what was that?
Tumigil ako ng may makitang mga anino na nasa dulo. Naglakad ako dahan dahan at minanmanan ang mga 'yun. Nanl- napapikit ako ng makita ko n-na... Ma-may pinugutan siyang ulo! S-shit! Mas ma-lala pa'to! Ang bilis ng pintig ng puso ko, kinakabahan ako, sobra. At ayun ang nakakasama sa'kin.
Kahit alam kong mamamatay ako rito, ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad ng dahan dahan patungo doon.
Damn! What are you doing?!
Hawak ko ang kamay ko na nangi—ano 'to? Kinapkap ko ang na apakan ko, ba-bakit nama— tinignan ko 'yun.
"Kyaaaaaaahhhhh!" sigaw ko. Fuck! Shit! Damn! Ba-bangkay!
Napaupo ako habang umaatras! Napatingin rin ako sa 'yu- 'yung killer tu-tumingin sa di-direksyon ko!
Kinakabahan ako! Ano n-nang gagawin ko? Napakagat na lang ako ng labi ko. W-wala na talaga akong kawala!
Kita kong papunta na si-siya sa direksyon ko. Kaya paupo akong umaatras. Lumingon ako sa likod ngunit walang tao! Napapikit nalang akong lumuha n-ng iha-hampas niya ang espada sa'kin!
Dam it! Lord please not now. I'm begging you! P-please...
Lumuluha akong inaantay kung may tatama ba— pero wala! Napadilat ako at nak-nakita kong par-parang may umaagos nasa katawan niya at unti unti na siya— pumikit na lang ako. A-ayoko na! Bakit lagi na lang ganto ang nangyayare sa'kin?
Nakaupo akong umiyak! Gus-gusto ko pa-pang mabuhay! Pero ba-bakit ganto lagi ang nadadatnan ko?! Hikbi na lang ang nagawa ko ng may maramdaman akong yumakap sa'kin! Kahit hindi ko siya kilala ay yumakap na rin ako!
Da-damn a-ayoko ng ganitong buhay!
"Okay na." bulong niya sa'kin.
"Th-thank you..." lumuluhang usal ko.
" 'Wag ka ngang umiyak." napaluha na ako ng tuluyan ng punasan niya ang mukha ko. Ngayon lang ak-ako nakaramdam ng ganito.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019