Dinukot ko ang jacket ko at lumabas ng kwarto habang sinusuot 'yun.
"Saan ka naman pupunta?" hindi na ako magtataka na tanungin niya. Tsk. Rinig ba naman sa kwarto ko ang pagtagingting ng kutsara.
"Uy! Wren saan ka pupunta?" tanong na naman niya.
Naglakad ako at nilingon siya. "D'yan lang sa tabi tabi baka sakaling lumamig 'tong init ng ulo ko." sabat ko. Okay na ako, kahit sabihin na hindi ako nakakain ng paborito ko, sana naman isauli na lang nila ang lagayan.
"Saan?"
"Sa Pentagon Bar." tanging sagot ko at lumabas na ng dorm.
Nakikita ko ang daanan dahil sa ilaw na binibigay ng buwan. Magandang tignan. Susubukan kong pumunta sa Pentagon Bar. Yes, may pentagon bar sila. Hindi ko pala aakalain na sa likod ng building ng seven at eight meron nito. Psh. Sa mga bata pa talaga pinuwesto ha. Matinde rin.
Ramdam ko na may tumitingin sa'kin, pero binalewala ko lang. Tsk. Patayin na kung patayin, sinusulyapan pa e.
Alas nwebe akong lumabas sa dorm, siguro pwede naman akong doon ng tatlong oras 'no? Nothing to worry.
Mula rito ay nasulyapan ko na agad ang Pentagon Bar na 'yun, at tama nga maraming tao rito. Tuloy ako sa paglalakad ko hanggang makapasok sa—
"Woah." ani ko ng mapapikit. Ang sakit sa mata, at talaga nga namang ang ingay, pero hindi ito rinig sa labas. Psh. Tuluyan na akong pumasok doon. At nakita ko ang mga katulad kong estudyante na nagiinom, nagsasayawan. Grabe! Ang lakas ng ibang uminom ha, mapababae.
Naglakad ako at napansin ng ibang tao ang pagdating ko pero tuloy tuloy pa rin sila. "Yuck." bulaslas ko ng may makita na naglalandian, making love. Psh.
Umupo ako, at nagpangalumbaba sa bar tender. "Good evening hot lady, anong sa'yo?!" tanong niya sa'kin.
"Nambola pa ang loko," napapairap na ani ko. "Give me a hard one!" sigaw ko dahil sa ingay dito.
Nginitian niya ako at tumalikod. "Kala mo kung sinong gwapo."
Umikot ako at ngayon naka talikod na ako sa counter. Ang dami talagang mga senior at junior na nagpupunta dito. May mga nagsasayawan rin, may kalaswaan at ang iba ay nakikpag usap habang sumasayaw. Tss. Magkarinigin ka 'yang mga 'yan? Napatingin ako sa banda na nasa unahan, mga kumakanta... pero wala akong pakielam.
"Ito Miss!" nilingon ko ang tumapik sa'kin.
Okay, 'eto na 'yung order ko, tinignan ko iyon, maliit lang ang baso pero puno ang laman. Good.
Kinuha ko iyon at hindi nagpasalamat. Linagok ko iyon ng diretso. Ang pait at talaga nga namang mainit. Psh. Kung sasabihin ng iba na may problema ako, pwes mali sila! Dahil gusto ko lang mag enjoy!
Nanghingi pa ako ng isa pa sa bar tender at ngumiti naman siya sa'kin. Ramdam kong may lumapit sa gilid ko.
"Miss mag isa ka lang?!" tanong niya sa'kin.
Napalingon ako. "Hindi 'no, marami kaya tayong andito." saad ko.
Shit! Alam kong dalawa pa lang ang nainom ko p-pero ba-bakit ganito ang tama? "Gusto mo ba akong samahan?!" tanong na naman nito.

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019