Lumingon ako sa paligid ng lumabas sa dorm. Walang pasok kaya makakapaglibot na ako ng maayos na walang inaalala na iba. Matagal na rin simula ng magka trahedya, tanging pananahimik lang ang ginawa ko, kahit ngayon. Ramdam ko ang weekend dahil sa maraming taong naglalabasan, at nag gagala. Bumuntong hininga akong sumunod sa kanila. Alam kong marami pang lugar dito na hindi ko pa napupuntahan.
Tutok lang ako sa paglalakad ko ng lumiko ako sa ibang hallway. Maraming pasikot-sikot dito talaga ngang hindi ko pa alam. Nang mga nakaraang linggo, araw ay naging busy na rin ako sa ginagawa naming project at performance. Maniwala man kayo o sa hindi, pinagbubutihan ko ng mag aral. Ayoko namang maiwan dito sa pesteng lugar na'to baka dito pa ako mamatay.
"Ate," lumingon ako sa humawak ng damit ko. "Ate, senior ka ho ba o junior?" ako ang kausap niya.
"Senior." tipid na sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ate kung senior ka, bakit ka ho andito?" tanong na naman niya.
Bumuntong hininga ako ng makita na nakasunod siya sa'kin. "Alam mo... kung wala kang ibang malaro 'wag ako ha? Kasi may pupuntahan ako. Gets?" pagtataray ko sa batang babae.
"Ate mag ingat ka po, baka hindi mo namamalayan nahuhulog ka na sa patibong."
Lumingon ako matapos niya 'yun sabihin. Nakapagbigay siya ng goosebump sa'kin. Damn! Napairap na lang ako ng makita na naglaho na siya sa maraming tao. Grabe, bata lang ang nagsabi niyan pero napakamature niya na. I think she's a grade seven student.
Umiling ako ng dahan dahan. Not that Wren, mga nalaman mo nga galing kala Alynette hindi mo binig deal, ito pa kayang sa bata lang nanggaling? Tsk.
Nakita ko ang mga grade seven at grade eight na mga naglalaboy at naggagala rin. Yeah. Magkakaiba ang building ng seven, eight keysa sa junior at senior.
Nakita ko ang mga buildings na magkakahiwalay. Siguro wala namang R at O Dorm dito 'no? Sana.
"Pati dito nakakapunta ka." napatingin ako sa nag saad nun.
"Malamang may paa." sagot ko sa kanya. Diretso akong naglakad at hindi na 'yun pinansin. Pag mas dumidikit ako sa kanila mas napapahamak ang buhay ko. Okay na ako ngayon sa tahimik na lang pag hindi ko sila nadidikitan.
Naglibot pa ako at gusto ko sanang tumungo ng canteen nila pero hindi ko alam. "Senior!"
"Senior!" napangisi ako ng marami ng tumatawag na ganun.
Sino ba nag pauso nun? Parang matanda na talaga kung makatawag e.
"Bakit ba ang iingay nila?" tanong ko sa sarili ko at minadali ang lakad. Grabe!
Ngayon saan ka na pupunta aking mga paa ha?
"Tinatawag ka ng mga estudyante bakit hindi mo sila lingunin?" napatingin ako sa harap ko na may tumigil. Malaki ang pangangatawan niya, matangkad at meron purong itim na buhok at medyo may edad na rin.
Aish! Nyeta! Wren, kailan ka pa tumingin ng pisikal na anyo ng isang tao ha? Tsk.
"At bakit ko naman sila lilingunin? Paano na lang kung hindi ako ang tinatawag nila, edi pahiya pa ako." usal ko at nilagpasan na siya.
Sino ba 'to ng bigla biglang kumakausap sa'kin? Sarap pektusan!
Nilibang ko ang sarili ko sa pag upo sa isang swing dito. Meron din itong garden, napakagandang pagmasdan. At sasabihin kong nasa garden nga ako. Malaking ang espasyo nila at talaga nga namang sinadya para sa isang hardin. Merong mga iba't ibang klase ng bulaklak. Sana ganito kapayapa ang lugar ng building namin. Ang mga estudyante tila walang problema. Hayy. Sana hindi nila maranasan ang kagaya ng nararanasan namin.

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019