07

18 1 0
                                    

Linibot ko ang rooftop kung saan nasira ang cellphone ko. "Nakakainis ha, two days pa lang ako dito pero gusto ko ng mga back out." Hingang malalim na saad ko. Parang gusto ko na agad makita si Mama, nakakamiss.

"Bakit kasi sa dinami dami na papasukan na eskwelahan, bakit dito pa ang nais mo?" Lumingon ako roon. 'Yung lalaking nasa puno.

Nakita ko siya sa malayo. "Kasi dito ako pinapasok ng nanay ko." sagot ko.

"Sino ba 'yang nanay mo?" tanong na naman nito sa'kin.

Napamaang ako sa sinabi niya. "Bakit pag sinabi ko ba makikilala mo?" napapangising tanong ko.

Umayos siya ng upo. "Kakayanin ko para sa'yo," napalaki ang mata ko doon. "Kidding, so who is your Mom?" tanong niya.

Sumiring ako ng tingin sa kanya. "You're not even my friend." sagot ko.

"I could be your friend." sabi niya naman.

Tumahimik ako. "Kaibigan?" nang sabihin ko 'yun ay napairap ako. "Mamatay na ang mga traydor na kaibigan." saad ko. Namumuo na naman ang galit sa loob loob ko.

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong na naman niya. Iniiba ang usapan.

"Ayokong makasama ang mga katulad niyo." straight to the point na sagot ko.

Ramdam kong napatitig siya sa'kin. "Napaka maldita mo."

"In born," sabat ko. "Kaya hindi mo na kailangang sabihin." sagot ko.

"Wren." usal nito.

Tumingin ako roon at nakita ko siya, nakatingin sa'kin. "Change your name, and everything will be fine."

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Change my name, then? What are you saying?" tanong ko.

Tumabi siya mula sa pagkakaupo ko. "Wren, inside this school, there's no faith, no love, no hope and you should trust no one." seryosong sabi niya.

Napairap naman ako, pansin ko lagi na lang akong napapairap. "Trust no one? Wala naman akong pinagkakatiwalaan." singit ko.

Mula ng itaboy nila ako.




Buntong hininga ang ginawa ko ng maramdaman ang ibang bumabalot sa katawan ko.

Bakit ganun? Pag malapit ako rito, kinikilabutan ako, pero kailangan ko 'tong gawin.

Kumatok ako mula rito. "Come in." usal ng nasa loob.

Binuksan ko ang pinto at pumasok. Bumungad sa'kin ang kulay ng office, ang pula at puti. "Oh. The transferee." saad niya.

Umupo ako kahit hindi niya sinasabi. May kusa ako. Psh.napangisi na lang ako sa sinasabi ko.

"What is your problem hija?" tanong niya sa'kin ng paikutin ang swivel chair kung saan siya nakaupo.

Okay admit it Wren, ang sungit ng datingan niya.

"I want to transfer out." sagot ko at nakita ko na lang ang mga ngisi niya. Not an ordinary smirk but an evil smirk.

"There's no way you can get out of here." paliwanag niya.

Napangisi ako sa sinabi niya.

Totoo nga.

"Bakit hindi ako pwedeng umalis?" pa inosenteng tanong ko.

May nilabas siyang folder sa drawer at nakita ko ang pinirmahan ko. "Remember this contract?"

Tumango ako. "Malamang. Sino ba namang baliw ang makakalimot sa contract na 'yan, ayan nga ang dahilan kung bakit ako nandito." sagot ko.

Tumawa siya- No! Hindi tawa kundi halakhak. "Pirma ka lang kasi ng pirma, ni hindi mo man lang binasa ang mga naka sulat dito." seryosong usal niya.

Kumunot ang noo ko. Tama nga naman, pero nakakatamad kasing magbasa.

"Okay na nga ang pagmamaldita mo kaso tanga ka rin pala."

Naitiklop ko ang kamao ko dahil ito na naman sa lintek na tanga na 'yan. "Ang kapal mo para pagsabihan ako ng ganyan."

Sinamaan ko siya ng tingin at tinitigan niya rin ako. "Tandaan mo 'to, hindi ka na maaaring lumabas sa eskwelahan na'to." may halong inis na saad niya.

Ngumisi na lang ako. "Wala kang pakielam kung gusto kong lumabas ng eskwelahan na'to. Atsaka lintek naging isa ka pang Dean kung ganyan ka magsalita sa mga es-"

"Can I borrow what's mine?" Lumingon ako sa bumukas ng pinto.

Ginagawa niya dito?!

"Ow fine." sagot ng Dean.

Napatingin na lang ulit a- "H-hoy! A-aray!" sigaw ko ng hatakin niya ako.

"Goodbye." ngising usal ng Dean.

Umirap ako ng medyo lumapit sa'kin 'tong lalaki at tinitigan ako. "Why?" inis at pikon na tanong ko.

"Let's go, we need to talk." hatak na naman niya sa'kin, nag paubaya na lang ako dahil parang hindi ko matatagalan ang babaeng nasa loob ng kwartong 'to. Kahit sabihin pang matanda siya.

"Protect her, Mr. Zapanta." singit naman ng matandang 'yun. Matandang edad pero hindi sa mukha.

Umirap lang ako. "Protect her. Protect her mo mukha mo!" inis na padyak ko ng makalabas kami. "Urgh! Back off boy!" sigaw ko dahil nakakapit pa rin siya sa'kin.

"What I said earlier, we need to talk." halatang inis na sabi niya ng bitiwan ako.

Napapadyak na lang ulit ako ng paa sa sahig. "Bwisit naman oh! Pwede ba? Just straight to the point! Oh baka gusto mo pang bangasan 'yang mukha mo?" inis na tanong ko sa kanya.

"Damn! Follow me." seryosong usal niya.

Kita ko na talagang seryoso siya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Bumusangot ako ng papunta kami sa rooftop. "Dito na naman?" saad ko ng paakyat na kami sa hagdan.

"Bakit saan pa ba ang gusto mo?" tanong niya.

"Ang gusto ko, gusto kong lumabas sa paaralan na'to at umuwi ng bahay." sagot ko.

"Wala ka bang alam sa ekwelahan na'to?" Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Ask Alynette for the story." dugtong niya pa.

Napanganga ako sa sinabi niya. "Ano pa't andito ako diba?" tanong ko. Pinahirapan niya lang akong umakyat dito. Bwisit siya!

"Diba sinabi kong akin ka?" napaatras ako ng- "Careful." saad niya. Umayos ako ng tayo para bitawan niya ako.

"Bwisit ka!" saad ko at umakyat pataas. " 'Wag niyo kong lokohin, mga bwisit." bulyaw ko.

Rinig ko ang mga hakbang ko, at hakbang niya. "Naniwala ka naman doon?" asik niya.

"Hindi." agarang sagot ko.

"Eh bakit ka ganyan makapagre act?" tanong na naman niya.

"Aish! Shut your mouth!" sigaw ko at pumasok na ng rooftop.

Kita kong tumawa siya. "Pffft."

"Anong tinatawa tawa mo dyan? Ewan ko sa'yo! Sige na bumaba ka na doon!" sigaw ko.

"Ikaw ang bumababa, di-"

"Bakit may pangalan ka dito?" angas ko.

Paiba iba pa ng mood 'to.

"Oo," saad niya at naglakad. "Kita mo?" napatingin ako ng pumunta siya ng upuan at may tinuro.

Naglakad rin ako patungo ko doon. Gusto kong masiguro. Pero tama siya, parang sa kanya nga ang lugar na'to.

Hade Zapanta.

Pero paano?

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon