20

31 1 0
                                    

Napanguso na lang akong sumilay sa lugar na'to. Dito ako dumiretso sa building ng seven at eight. Hindi na rin ako dumiretso sa classroom SHSA dahil alam kong ako na naman ang pagchichismisan. Tsk. Nahahawa na rin ata ako sa pagka bipolar ng lalaking 'yun ha. Tsk. Iniwasan ko nga si Bryle para makapunta kay Alynette pero nauna na naman pala siya. Ano pang silbe ng pag iwas ko nun kay Bryle kung nakita din naman nila. Sabi ko pa naman sa kanya na patago lang ang pag — Aish badtrip.

"O," tinignan ko ang softdrinks ng may nag abot. "Kunin mo, para sa'yo talaga 'yan." ani niya at umupo sa isang swing. Andito ako sa garden ng seven at eight, nagpapahangin.

Wala na akong nagawa dahil sa nauuhaw na rin ako. "Thanks." tanging usal ko. Binuksan ko iyon at uminom.

"Bakit ka bigla biglang sumingit sa usapan namin?"

Nilingon ko siya. "Ano ba talaga ang mga parusa niyo sa eskwelahan na'to?" tanong ko sa kanya.

Nagduyan siya at tumingin sa malayo. "Mamamatay ka o paparusahan ka."

Tumango ako. Hindi na ako magugulat na may mabalitaan akong may mamatay rin dito sa school na 'to. "Anong parusa?"

"Papahirapan ka—"

"Papahirapan ka hanggang sa mamatay ka, no choice rin pala parehas lang naman pala ang gagawin niyo." unti unti ko ng dinuyan ang swing.

"Pero kung may malaki talagang nagawa na kasalan."

"Paano 'yung lima?" tukoy ko sa limang babae. Kahit alam kong masasama ang ugali nila, hindi pa rin tama na patayin agad sila.

"Kakausapin sila."

Bumuntong hininga ako. Buti naman. "Rij," saad ko habang nagduduyan. "Paano niyo nagagawa ang pumatay?" tanong ko.

"Papatay ka lang naman kung kinakailangan, para maprotektahan mo ang sarili mo, para maprotektahan ang mga malalapit sa buhay mo." napatigil ako ng sabihin niya 'yun. "Hayaan mo Wren may mapapatay ka rin naman... hindi lang ngayon, pero soon."

"What the heck! Ayoko! Ayokong gawin 'yun." iling na saad ko.

"Mapipilitan ka ring gawin 'yun Wren."

Umiling lang ako ng umiling. "Manakit sa pananalita kaya kong gawin, pero 'yung pagpatay hindi ko ata kayang gawin." pahinang boses na saad ko.

"Walang kasiguraduhan 'yang sinasabi mo Wren, one time magagawa mo rin 'yan."

"Aish! Manahimik ka na nga!" asik ko at uminom na lang ng softdrinks.

"Pfft. Pero hayaan mo, hindi ko hahayaang mangyare 'yun."

Liningon ko siya matapos sabihin 'yun. "Bakit may mga mangyayare—"

"Tsk," nakatingin lang ako sa kanya ng tumayo siya. "Lika na, ihahatid na kita."

"Ha? S-saan? Bakit?" tanong ko. Ano bang pinagsasabi niya?

"Kanina pala bago ka pumuntang field may nagpapabigay ng ewan... basta... naka paper bag e." kakamot-kamot sa ulong sabi niya.

Inubos ko na ang softdrinks ko at tinapon iyon. "Galing kanino?" usisa ko sa kanya.

"Galing sa labas." sagot niya.

Tumango ako at naglakad na. "Aaaaaa." tanging sagot ko.

"Samahan na kita, nasa room ko 'yun."




Ngumiti akong sumulyap sa paper bag na ito. Tsk. Kanino ko pa 'to sinusulyapan e. "Ano bang meron d'yan?" tanong ni Rij sa'kin.

Nasa hallway kami, at nasa tabi ko siya. Napangiti na naman ako. "Ano nga sabing meron d'yan? Todo sa silip at ngiti mo a." sabat niya.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon