32

14 0 0
                                    


Kita ko ang sari saring reaksyon nila. Tila nabigla sa sinabi ni Aly. "Puntangina hindi magan—"

"Joke lang. Hahahaha." biglang sabat ni Aly.

Inis akong tumingin sa kanya. "Puta! Akala ko totoo!" sambit ng nasa loob.

"Bwisit hahaha."

"Gago kayo, mga tumawa talaga." inis na baling ko sa kanila.

"Biro lang 'yun Wren, kasama niyo ko. Paanong malalaman ko kung a—"

"Manahimik ka na lang!" sigaw ko na ikinatigil nila. "Hindi magandang biro ang pagkawala ng isang tao! At kung wala naman kayong magandang sasabihin, then shut up!" sigaw ko at humiga sa hospital bed.

Nakakainis!

"So-sorry, Wren."

"Pasensya na."

"Come on! We need to leave."

Hindi ko pinakinggan ang mga nagsalita. Naiinis pa rin ako!

Tanginang Hade!

"Wren, we need to leave." sambit pa nila pero hindi ko pa rin pinapansin.

"Wren!"

"Hoy! Ano pa bang ginagawa mo diyan?!" boses ni Jones. "Hindi ka ba tatayo? Kailangan nating umalis." sambit pa niya habang pumupunta sa gawi kung nasan ako nakaharap.

"Tangina! Saglit!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. Kita ko ang pagbuntong hininga niya at pilit pinapakalma ang sarili. "Ano bang nangyayare?! Ni hindi niyo nga sa'kin maipaliwanag e." sambit ko.

Mamaya kung ano na pala ang nag aantay sa'kin!

"Hade's group are waiting. We need to go. Pag nawala ang plano, pwedeng may mapahamak." pagpapaliwanag niya.

Hade's group... Hade.

Dahan dahan akong tumayo. Tinatanggal ang mga nakadikit sa katawan k— "You need to bring that thing."

"What?!" tanong ko at napatigil sa ginagawa. Tinignan ko ang mahabang parang bakal at may isang pack doon na tubig.

Hindi ko alam kung anong tawag dun!

"Hindi ka pa— Wren!" sigaw niya ng tanggalin ko na ng tuluyan.

"Tapos na, wala na akong dadalhin."

Rinig ko ang mga tawanan ng nasa loob. "Tsk. Lets go." usal niya at mabilis na lumabas.

Ininda ko ang sakit ng tanggalin ko 'yun at nakisabay na lumabas sa kanila. "Kailangan niya ng pahinga, hindi dapat siya bas—"

Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ni Jay. Okay na ako, wala na naman akong iniinda— pwera nga lang sa pagtanggal ko ng nakatusok sa'kin.

Lumabas na kami ng kwartong 'yun at kapansin pansin ang mga taong nagkakandaugaga— hindi nila alam ang gagawin nila. Hindi pa rin tumitigil ang ingay ng kung anong man 'yun. "A-ano bang ingay 'yu—" liningon ko sila pero nagtaka ako. "Whats with your formation? A-anong meron?"  natatawang tanong ko. Hindi ko maipinta ang pagpigil ng tawa ko.

Lintek! Anong meron at bakit naka posisyon na naman sila— parang dati lang! T'wing may susuguri— meron nga ba?!

Nawala ang ngiti ko at inis na tinignan sila. "Okay..." sabat ko at habang tuloy tuloy pa rin ang paglalakad. "A-anong nangyayare? Anong ingay 'yun? A-at bakit kailangan naka pwesto kayo?" takang tanong ko.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon