28

17 0 0
                                    

Kagabi lang nung nangyare ang trahedyang 'yun. Wala namang nangyareng masama dahil umalis na lang bigla ang mga taong nakamaskara na may apoy na logo. Nakakapagtaka nga lang, paano sila nakakapasok sa lugar na'to kung bigla bigla na lang sila umaalis? Baka naman nagtatago rin sila bilang isang estudyante?— pero hindi, dapat alam na 'yun ng dalawang grupo. Hindi na rin bago sa'kin ang biglang may nag aaway, nagpapatayan dahil ilang buwan na rin akong naandito. Minsan ko na nga ring makita ang mga ganoong pangyayare.

Pero iba pa rin pag nandoon ka na... Mapapaihi ka na lang sa kaba.

Biyernes na, huling pagkakataon para makapasok. Kung hindi sana nangyare 'yung linggo edi sana hindi ako maghahabol at tutunganga sa nga lectures!

Nyemas!

Muli kong sinilayan ang sarili ko sa full length na salamin sa loob ng kwarto ko. Namiss ko ang pagsuot ng uniform ng Freedom. Freedom, kala ko pa naman kalayaan talaga. Kalayaan na makalayo sa pamilya— oo. Pero hindi sa panganib!

"Wren, tapos ka na ba?" tanong mula sa labas.

Napangiti akong sinuklay ang buhok ko. Pwede na rin naman daw tanggalin ang benda sa ulo ko kahit kahapon sabi ng doktor. Epal lang talaga ang mga kumag dahil ayaw nila. Tinali ko ang mahaba kong buhok at muling sinuklay iyon.

"Heto na." anas ko at kinuha ang bag na nasa ibabaw ng drawer. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin si Alynette na ayos na ayos. Kumunot ang noo ko sa kanya.  "May rampa?" tanong ko.

Nakita ko ang pagngiti at pag sway niya ng buhok.

Hala ka! Haliparot ang loka.

Umirap ako at sinarado ang pinto ng kwarto ko. Naglakad ako at nilagpasan siya.  "Bakit kailangan mamula ng labi mo? Edi sana nagpasapak ka na lang sa'kin." sabat ko at binuksan ang pinto at inantay siya sa labas.

Kita ko ang mga taong kalalabas lang ng dorm. Marami ring nga estudyanteng papasok na. Tinignan ko ang kaharap namin na dorm na medyo kalayuan. May mga estudyante ding mga naglalakad pero hindi sila katulad ng nasa O Dorm. Isa ang wala sa mga postura nila— 'yun ay ang ngumiti.

"Lets go?" tumango ako sa tanong ni Alynette. Ramdam ko rin ang pag akbay niya sa'kin pero hindi ko na pinansin.

Mukhang masaya siya.

Tuloy lang kami sa paglalakad dalawa kahit walang kwentuhan na nagaganap. Kita ko ang mga tinginan na naman ng mga estudyante sa'kin.

Ano na naman bang problema nila?

"Anong tinitingin tingin niyo? Ha?!"

Inis kong siniko si Alynette dahil bigla siyang nagsalita. Dadaldal pa eh. "Oo nga?! May masama ba sa'min ha?" asik ko naman.

"Grabe makasiko kala ko naman kung ano, isa rin pala siya." rinig kong bulong niya na sadya namang nagpaparinig.

Walang nagawa ang iba kundi mag iwas ng tingin. Pero hindi sapat 'yun para hindi ko marinig ang mga usapan ng ibang tao na nakapaligid sa'min.

"Malandi naman."

"Nakita niyo ba 'yung nangyare nung linggo?"

"Nilock nila 'yung canteen para maglandian."

"Nakikipaglandian siya sa grupo ni Hade."

"Haliparot pala."

Nyemas 'yan!

Inis akong humarap sa kanila. Ramdam ko ang kamay ni Alynette na hinahatak ako.

Hindi pwede! Namumuro na sa'kin e.

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon