Nakatingin lang ako sa kisame, puti ang lahat. Meron din akong nakikitang ilaw, ceilin— nasan ba ako?!
Pinilit kong tamayo.
Nyema— kumikirot ang ul—
"Gising ka na pala."
Mula sa gilid, ramdam ko ang paglapit niya. Ang tingin niyang nag aalala. Halata din sa kanya ang kabalisaan.
Pero bakit siya nandito?
"M-may pasok ka diba? Ba—"
"Tumigil ka. 'Wag ka ng tatayo." anas niya.
Kumunot ang noo ko. Ramdam ko na naman ang kir— napapikit ako. Napahawak ako sa gilid ng kama na'to. Pinilit kong magsalita kahit masakit ang ulo ko.
A-ano bang nang— Jones...
"N-nasan ba ako?" tanong ko sa kanya.
Tinignan ko si Alynette na halatang nag aalangan sa sasabihin. Bakit siya andito? May pasok siya. Lunes—
"Nasa clinic ka. Tatlong araw kang walang malay..."
Lagot talaga sa'king Jones na 'yun!
"T-tatawagin ko lang 'yung nurse." sabat niya at lumabas.
Napapikit ako ng makalabas siya.
T-tatlong araw?!
Inis akong umupo sa gilid ng kama. Kung ganoon nasa clinic ako. Sa labas kaya ng school ito?
Malalim ang pag buntong hininga ko. Naalala ko ang nangyare. B-binuksan ko ang pintuan na 'yun para sa mga estudyante... nasa unahan si Jones. Pero hindi ko pa naman nabubuksan ng malakas na tumama sa'kin ang pintuan!
Nyemas!
Kinapa ko ang mukha ko! M-masakit ang ilong ko.
Pag napango 'tong magandang ilong—
"Papatayin talaga kita Jones!" sigaw ko. Nag echo iyon sa maliit na kwartong ito.
Nilibot ko ang paningin. May drawer, sofa. Wala man lang tv. Napunta ang tingin ko sa isang table. Kita ko ang mga kalat na nandoon.
Bakit ang daming pagkain na nagkalat?!
"N-nagugutom na ako." wala sa sariling anas ko.
Tatlong araw ako nandito— at ngayon lang ako nagising?! Napakasama naman ata ng pag impact ko sa pader?!
"A-ano ba Wren! Sinabi ng 'wag kang t-tatayo diyan diba? Humiga ka nga."
Kunot noo kong binalingan ang nagsalita nun, si Alynette. Kasunod niya ang isang doctor at nurse.
May sinabi ang doctor na nagpakilos at nagpagalaw sa nurse at lumapit sa'kin.
Pinabayaan ko lang siyang hawakan ang braso ko. Hindi ko na iyon pinake alaman pa. Wala ako sa wisyo. Ramdam ko rin kasing kumikirot ang ulo ko."Humiga na lang ho kayo." usal ng nurse ng matapos niyang gawin ang kailangan.
Bumuntong hininga ako at pumikit na lang habang humihiga. Rinig ko rin ang pag uusap nila Alynette pero hindi ko na pinakinggan pa.
"Damn! Wren!"
"T-tulong!"
"Wren kumapit ka sa'kin!"
"H-hindi ko kaya!"
"Please! Wren hold my hand!"
Umiling ako. H-hindi!

BINABASA MO ANG
𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡
Teen FictionWelcome to Freedom High, where choices are limited. © 2019