14

20 1 0
                                    

Nakatingin lang ako sa ceiling fan na umiikot at patuloy sa pagluha. Nagagalit ako sa sarili ko, dahil ang galit ko nauuwi lahat sa luha. Naisip ko na, bakit kailangan ko pa ng ibang tao para lang maligtas ako sa ganung lugar? Paano kung wala sila? Aasa pa rin ba ako sa ganung paraan?

Bumuntong hininga na naman. Nakakahiya, putik! Umiyak lang ako naman ako sa taong hindi ko naman lubusang kilala. Aish!

Napapikit na lang ako. Masama bang mabuhay sa paaralan na'to na maging masaya na lang? Gusto kong malaman kung bakit ganto ang eskwelahan na'to! Bakit ko kailangang pag danasan ang mga 'yon? Tangina! Hindi ko naman inakala na— na ganto ang kahihinatnan ng pag tatransfer ko dito. Pinunasan ko ang luha ko ng marinig na may kausap si Alynette sa labas.

"Palabasin mo naman siya o, kanina pa siya hindi lumalabas anong oras na." may bahid na lungkot na pagsasalita ni Alynette.

Bumuntong hininga ako at nag ayos ng sarili. Hindi ako papasok, ayokong lumabas ng kwarto ngayon. Rinig ko ang mga sunod sunod na katok at kahit naiingayan ako ay hindi ko iyon binuksan.

Simula ng mangyare 'yun kagabi. Ayoko ng lumabas. Siguro magkakaroon na ko nito ng nyctophobia.

"Wren!" napalingon ako ng tumawag sa'kin si Riel.

Bumuntong hininga akong tumayo. "A-anong kailangan niyo?" tanong ko.

"May pag uusapan tayo." sabat niya pa.

Tumayo ako at naglakad. Siguro kailangan kong kausapin ang pinagkakatiwalaan ko, kailangan kong itanong ang lahat ng gusto kong malaman. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Nakita ko si Alynette na naka uniform. 11 AM na, break time.

"Thank you naman at na palabas rin sa lungga niya." asik ni Alynette at sinamaan ko lang ng tingin.

"Pumasok ka na doon at baka hanapin ka." usal ni Riel.

Ngumiti ako ng makita si Alynette na tumigil dahil bigla siyang kinausap ni Riel. "Aish! S-sige Wren." sabat niya at umalis. Takot nga.

Naglakad ako at umupo sa sofa, ganun din siya. "Kumain ka na?" tanong niya. Tumango na lang ako. " 'Wag kang mag sinungaling sa'kin, sabi ni Alynette hindi ka daw lumabas ng kwarto mo."

"Paano siya nakakasiguro na hindi ako lumabas e pumasok siya."

"Ngayon palang siya pumasok at pinatawag niya lang ako sa ibang estudyante. Naiintindihan mo?" paliwanag niya. "Lika nagdala ako ng pagkain kumain tayo. Bawal tumanggi." saad niya at tumayo.

Sinundan ko siya ng tingin ng pumunta siya ng kusina at kumuha ng mga plato. "Paano ka nakapasok sa paaralan na 'to?" tanong ko sa kanya.

Lumingon naman agad siya at tumigil saglit sa pag kuha ng kutsara. "Kailangan kumain ka ha, walang hind—"

"Riel, tinatanong kita."

"Anong gusto mo juice o tubig?"

"Wala akong ganang kumain."

"Pero hindi pwede kumai—"

"Ayokong kumain, busog ako."

"Kakain ka Wren," sabi niya at naglakad papunta dito. Nilapag niya ang plato at tinignan ko siyang mag ayos. "Sabayan mo ko ha."

"Paano ka ba nakapasok sa school na 'to?" tanong ko sa kanya. Hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ba gusto mong malaman?" usisa niya.

"Kasi para akong tanga na hindi ko alam ang gagawin tuwing may gumugulo sa isipan ko, na hindi ko malaman ang tamang sagot." paliwanag ko.

Bumuntong hininga siya habang nagsasalin ng pagkain sa plato. "Sige magtanong ka, sasagutin ko."

𝐅𝐫𝐞𝐞𝐝𝐨𝐦 𝐇𝐢𝐠𝐡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon