Saved by Marriage

80.5K 1.1K 35
                                    

"Dela Cruz!"

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko ng marinig kong tinawag ako ni Chief. Hindi ako pulis ah? Sadyang chief ang tawag namin sa kanya dahil sya ang Editor-in-chief ng Point Magazine, isang magazine na under sa Miranda Publishing Team. Ang publishing team na nasa top two.

Top two mula sa ibaba sa listahan ng mga publishing team sa bansa. Pero syempre, kahit naman alam kong hindi sikat at papalugi na ang publishing team, lalo na ang Point Magazine Team, pinasok ko pa rin.

Sila lang naman ang kumpanya na tumanggap sa akin at dahil ito ang kauna-unahan kong trabaho.

Nakita kong binigay sa akin ni Chief ang isang brown envelope.

"Ano po ito chief?" Tanong ko

"Hindi ko alam kung anong swerte mo ng bata ka. Ayan ang pass mo sa building ni Mr. Smith, tinanggap nila ang request mo for interview at next week friday ang schedule. This is our chance Queenie, do good and you'll be promoted."
Sabi ni Chief at ganoon na lang ang pagningning ng mga mata ko ng marinig ko ang sinabi nya at ng makita ko ang ID card.

Tuwang-tuwang sumaludo ako kay Chief.

"Noted chief! Gagalingan ko po!" Sabi ko saka nagpaalam na pabalik sa opisina ko.

Shet! Ako pa ata ang magiging tagapagsalba ng team na ito. Bwuahahahhaha!!!

Nang makaupo ako sa table ko at pinagsiklop ko ang mga palad ko at pumikit.

"Thank you po Lord!" Sabi ko at napalakas pa yata dahil napatingin sa akin ang buong team.

"Anong meron? Ba't tuwang-tuwa ka?" Tanong ni Lila.

"Nakakuha ako ng interview kay Mr. Smith! Sinagot nya yung request ko! Bwuahahah!" Anunsyo ko na ikinalaki ng mga mata nila.

"Seryosoo? Shet ang swerte mo girl!" Sabi ni Yna.

"I know right? Ay! Ito na pala ang mga pinaproof read mo Chelly." Sabi ko saka pinagulong ang swivel chair papalapit kay Chelly.

"Thanks! Ito pa sunod."

"Pakixerox din pala ito Quen."
[Read as Kwen]

"Pagkatapos dun, send mo kay Ken yung article na nasa usb na ito. Thanks!"

At sunud-sunod na ang mga pinagawa nilang trabaho. Ganoon talaga, ako ang baguhan eh. Pero dahil masaya ako dahil sa balita ay tinanggap ko lang lahat ng nakangiti.

~~~~~~~~~
Kinakabahan akong tumingin sa mataas na gusali na nasa harapan ko. Nasa dulo ako ng nasa benteng hakbang ng hagdanan bago ang mismong entrance ng building.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad. Kaya mo yan Queenie! Diba wala kang inaatrasang laban?

Kaya mo yan, huwag kang kabahan, hwaiting! Aja!

"Ms, pwede bang makita ang ID mo?" Tanong sa akin ng guard kaya ipinakita ko ang ID pass na galing mismo sa sekretarya ni Mr. Smith.

Shemay! Ang galing talaga, hindi naman ako maswerte sa buhay pero bakit sa napakailap na businessman ay nakaswerte ako ng interview? Kung tuluy-tuloy na ito at maisasagawa ng maayos ang interview, kami ang kauna-unahang publishing team na nakapanayam sa mailap na Mr. Smith.

Sa ganoong paraan, sisikat at siguradong tataas ang sales ng kumpanya lalo na ng magazine team!

At dahil iyon sa akin! Bwuahahahhaha!

Nang papasukin ako ng guard ay para akong tangang ngingiti-ngiti papasok ng elevator. Naiimagine ko na kasi ang mga kasamahan ko at ilang media men galing sa ibang kumapanya ang paghanga nila't pagkacurious sa isang magandang nilalang na tulad ko. Kung bakit ako nakakuha ng interview.

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon