William Xander Smith
Napasanunot ako sa buhok ko dahil hindi ko alam ang gagawin para lang kausapin ako ng asawa ko at magkabati kami.
Para akong sinaksak ng paulit-ulit ng makita ko syang umiyak. It wasn't my intention to hide my problems from her, pero iyon ang tingin kong tamang gawin dahil ayoko na syang madamay pa.
But she was right, when she was the one who tried hiding her problems from me ay hindi ko rin naman nagustuhan. Nasaktan din ang damdamin ko sa hindi nya pagsasabi dahil pakiramdam ko ay hindi nya ako pinagkakatiwalaan.
Kaya alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman nya ngayon maging ang pakiramdam kung bakit ayaw nyang sabihin sa akin noong una ang mga iniisip nya. But I swear, I never wanted to get back on what she did.
"Got a problem son? Bakit hindi ka pa natutulog? Late na." Sabi ng boses mula sa likod ko kasabay ng pagtapik nya sa balikat ko.
"Where's mom?" I asked and he smiled while taking a sit next to me.
"Sleeping. Kararating pa lang non at dito na dumiretsyo." Sabi nya at natawa ng makita ang nakahaing inumin sa harapan ko.
"Really? Akala ko naman alak ang iniinom mo, gatas pala." Sabi nya pero naiiling na lang ako.
"So, may problema ba?" Tanong nya at doon ako napabuga ng hangin.
"My wife's mad at me. Kanina lang nya nalaman yung patungkol sa problema sa kompanya, she thought that I don't trust her enough, buy I swear, that wasn't my intention. Ayoko lang syang madamay." Paglalabas ko ng hinaing.
"Well, you can't blame Quennie, may karapatan naman talaga syang magtampo sayo. Mag-asawa na kayo William, sa ayaw at sa gusto mo, madadamay at madadamay sya sa kung ano mang problema mo."
"But I don't want her to be stressed by this useless issue." Dahilan ko pa pero umiling ang tatay ko.
"You know why we put you in this marriage?" Tanong nya at tumango ako.
"Isn't it because of our grandparents deal and to protect my wife?" Sabi ko.
"Well, a part of it yes, pero ipinasok kita sa kasalang ito para matuto ka anak. You've been independent too much, parehas kayo ng asawa mo. No man is an island son, we need you to learn how to be dependent to someone sometimes..."
"...Kasal na kayo ng asawa mo, you need to fight each and every battle together from now on. You might wanted whats best for her by not telling your problems, but no son, you're hurting her more, you, are hurting yourself more. Hindi ka nya masosoportahan sa laban na hindi nya alam kung anong ipinaglalaban mo."
Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil may point ang ama ko. Ako na rin mismo ang nagsabi noon sa asawa ko na kung ano mang problema nya ay sabihin nya sa akin dahil mag-asawa na kami.
So what's the f*cking wrong with me for not doing it now?
"Fix this son. Gusto ko pang magkaroon ng apo sayo." Biro nya na ikinangiti ko na rin.
"I will. Ba't ang dami mong alam sa ganito dad?" Tanong ko.
"Aba syempre, papunta ka pa lang---"
"Pabalik na ako. Yeah, linya ng matatanda. Aww!" Angal ko ng bayukan ako ng tatay ko.
"Aba't tong batang to--! Hindi na kita pamamanahan. Sa iba ko na lang ibibigay." Sabi nya pero ngumisi ako't umiling.
"You can't do that, sige kayo, hindi ko kayo bibigyan ng apo." Ganti ko pero sya naman ang ngumisi sa akin.
"Hindi mo talaga ako mabibigyan ng apo dahil may tampo sayo ang asawa mo." Ganti nya na ikinapoker face ko at ikinatawa ng magaling kong ama.
We might be serious with business and all pero ito ang totoong ugali ng tatay ko kapag kami-kami lang. Kaya hindi na nakapagtataka kung kanino ako nagmana.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...