Quennie Dela Cruz-Smith
"Queeen!!!! You need to go to the office now! This is absurd! Oh my gosh!!!" Tili ni Chelly sa kabilang linya na ikinakunot ng noo ko.
Kakagising ko lang at magpapalate dapat para sana ipatanggal ang cast ko sa braso ng magising ako sa tawag ni Chelly. So wag na lang, mamaya na lang lunch break.
"Bakit ba? Anong meron?" Sagot ko habang nagkukusot ng mata.
"Sold out yung magazine natin!!! Yung one thousand copies na inilabas natin, said!ubos! Walang natira!" Tili nya na tuwang-tuwa at nagising yata ang diwa ko dahil sa narinig.
"Shit! Talaga???!!!!" Tanong ko sabay takbo sa cr sa kwarto ko't naghilamos agad saka nagtoothbrush ng nasa tenga ang cellphone.
"Bakit? Kelan? I mean kelan nyo nalaman?" Hindi malinaw na tanong ko dahil sa bula sa bibig gawa ng pagtotoothbrush pero dala ng excitement kaya nya siguro ako naintindihan.
"Kanina lang! And my gosh! People are ecstatic! Trending tayo ulit sa twitter and people are satisfied with the facts written on the magazine because it was detailed and precious enough na hindi nila ineexpect na ganung facts ang mababasa nila patungkol sa kanya!" Paliwanag ni Chelly at agad akong nagmumog.
"Pinapapunta ka dito ni Chief para i-congratulate ka, you did the best job among our team. May mga sasabihin pa kami kaya bilis! Punta dito! Now na!"
Sabi nya sabay baba ng telepono kaya napatili ako at nagtatatalon na parang kiti-kiti.
"Kyaaaaaaaaaaaah!!!! Liam!!!" Tili ko sabay takbo papalabas ng kwarto ko at nakasalubong ko sya na akmang papasok pa lang sa kwarto ko.
Halatang tumakbo sya pero hindi ko na pinansin at tuwang-tuwa kong hinawakan ang kanyang kamay at nagtatatalon ako sa tuwa. Naguguluhan man sya ay nakitalon-talon din sya sa akin.
"What? Why? What happened? Are you okay??" Sabi nya habang nagguluhan pa rin pero nakikitalon pa rin sya sa akin ng paikot-ikot.
Natawa ako saka tumigil na at tinuro ko sya ng hintuturo ko.
"Ikaw! Ikaw ang may gawa! Waaah! Ang galing talaga! Teka! Kailangan kong magluto! Wait, kailangan ko ding maligo para makapasok na kaagad--"
Nagsimula na akong maaligaga pero hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat."Can you please calm down and tell me first what happened?" Sabi nya at tinuruan pa akong huminga ng malalim na sinunod ko para kumalma.
"Our magazine was sold out!" Malaki ang ngiti na saad ko at nakita ko syang napahinga ng maluwag saka iiling-iling na nakangiti.
"I told you, they'll take the bait 'cause I have precious--"
"Ofcourse you are precious!" Tili ko sabay yakap sa kanya.
Napatigil ako ng marealize ko ang ginawa ko.
His hands were caught off guard in the air and so as mine. Bago pa nya madait ang mga kamay nya sa likod ko ay bumitaw na ako at itinulak sya ng isang kamay.
Napapangiwing napakamot ako sa batok at hindi makatingin.
"Ano, uhm..sige, luluto muna ako. Tama, yun muna." Sabi ko pero umiling sya't ngumiti saka itinaas ang baba ko gamit ang kanyang hintuturo para magtama ang mga mata namin.
"Don't be shy wife, it's normal for people to hug. Now give me a bear hug." He said and he spread his arms kaya natawa na rin ako at yumakap din sa kanya.
"Bear hug!" I said at natawa na lang kaming dalawa habang magkayakap.
"I'm glad that I could help but it was your team effort hon. Congratulations." He said kaya napahiwalay ako sa pagkakayakap naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...