Quennie Dela Cruz
"Quen, pakixerox nga ito tapos padala sa ibaba."
"Quen, pwede bang ikaw na ang kumuha ng hardcopy sa publishing warehouse ng latest issue natin?"
"Quen, bili ka ng merienda!"
"Quen! Pakiproof read naman nito."
"Quen, kailangan ko na yung article mo by tomorrow morning."
Halos hindi ako magkandaugaga sa mga pinaguutos nila. Ako kasi ang bago sa trabaho at mag-iisang taon pa lang ako dito sa team.
Pero hindi! Hindi ako dapat sumuko! Ito ang una kong trabaho kaya dapat pagigihan ko.
Inisa-isa ko lahat ng mga pinagawa nila, inabot ako ng hapon para tapusin ang mga iyon at kahit ala-syete na ay hindi ko pa rin tinigilan ang report na dapat kong gawin.
Napatingin ako sa orasan na nasakasabit sa opisina at nakitang alas-otso na.
Napasimangot na lang ako't sinukbit ang isang strap ng bagpack sa likod habang ang isa kong kamay ay pinalo-palo ang balikat ng kamao.
"Late na naman ako uuwi. Haay." Malakas kong sabi dahil alam ko na wala namang makakarinig sa akin sa opisina.
Sarado na lahat ng mga computer at isinara ko na rin ang akin matapos isave ang ginawang report.
Ako na rin ang nagkusang magpatay ng ilaw ng opisina saka lumabas at nagsimula ng maglakad papalabas habang nag-iinat pa.
"Ma'am, ginabi na naman po kayo ah?" Puna ni Manong Riko.
"Oo nga po eh. Sige manong, una na po ako." Sabi ko at sumaludo pa ito kaya tumigil ako't sumaludo din na pareho naming ikinatawa.
"Ingat ma'am." Sabi nito at tumango ako saka nagsimula ng maglakad papuntang convenient store na malapit sa opisina.
Doon kasi ako tumatambay saglit at saka ako uuwi na kung saan nasa likod lang ng convenient store. Kaya malakas ang loob kong gabihin ng uwi, lalakad lang kasi ako ng mga sampung hakbang, tatawid, at saka kakanan at hahakbang ng lima para makarating sa bahay ko.
Saka nasa friendly neighborhood ako kaya safe naman.
Ah...oo nga pala. Ako Si Quennie Dela---wait lang. Masyadong siga eh. Okay baliw lang.
Sorry.
Ehem, okay, I'm Quennie Dela Cruz, 24 years old, 5'5" tall, balingkinitan, maputi at maganda. Char lang. Pero totoo yung height, maputi at pagkabalingkinitan ko, ewan lang sa maganda. Hindi rin ako mahilig magsuklay dahil basta maiipit ko ang buhok ay ayos na.
Anyway, mag-isa na lang akong namumuhay simula ng mamatay ang lola ko last last year.
Kay lola ang two-storey house na tinitirhan ko ngayon na ipinamana nya sa akin. Hindi naman kami mahirap, hindi din kami mayaman, sakto lang kumbaga, at sa 24 years ko sa earth, ngayon lang ako nagkatrabaho sa isang publishing company dahil ni minsan ay hindi ako hinayaan ni lola na makapagtrabaho kahit na gustung-gusto ko.
I know, tunog mahigpit, pero love ko si lola, sadyang ayaw nya lang akong palabasin sa bahay ng ako lang mag-isa. Noong nag-aaral ako ng college ay palagi syang nasama sa akin, matyaga syang naghihintay na matapos ang klase ko sa bawat araw kahit na palagi ko ring sinasabi na hindi na kailangan.
Kaya ang ginagawa ko hangga't maaari ay kinukuha ko ang mga subjects na maaga ang uwian. Noong una ay nagtataka ako, she's too protective of me pero binaliwala ko na lang din dahil alam kong mahal na mahal lang talaga ako ni lola.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...