Eleven

34.4K 697 11
                                    

Quennie Dela Cruz-Smith

"Lolo Basty!" May ngiting saad ko sa oras na makita ang matanda na nakaupo na sa sofa sa may living room.

Tumayo naman ito at sinalubong din ako ng yakap.

"Kamusta na po kayo lo? Ngayon ko na lang ulit kayo nakita ah?"

"Ayos naman ako hija--anong nangyari sayo? Sinasaktan ka ba ng apo ko???!" Sabi nya ng makita ang nakacast kong braso na nasa sling arm.

"Naku lo, hindi po, napasama ako ng bagsak ng kuhanin ko yung pusa sa bubong. Liam had been good to me lo, don't worry." Sabi ko at doon ko sya nakitang nakahinga ng maluwag.

Nakakatuwa, kaugaling-kaugali nya kasi si lola kaya kahit papaano ay naalala ko sa kanya si Lola Esmeralda. Pati kapag nakikita ko si Lolo Basty ay naalala ko yung mga oras na kasama ko pa si lola na puro mga masasayang alaala.

"Naku, sabihin mo lang sakin hija kung pinapahirapan ka nyang apo ko. But I am very sure that he'll take care of you. Kelan ba ako magkakaroon ng apo?"

"Ho?!!?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at nasamid kahit wala naman akong kinakain o iniinom.

I felt Liam sat beside me pero hindi ko na pinansin at nagfocus kay lolo.

"Lo, you know the real deal between us, kaya matatagalan pa ang hinihiling nyo." Napatingin ako kay Liam at nginitian sya ng nagpapasalamat.

He's right, we all know the real deal between us kaya matagal-tagal pa ang gusto ni lolo.

At talagang kinonsider ko talaga ang pagkakaroon ng anak no? Ah ewan.

"Well, if you say so. Oo nga pala, dito muna ako hanggang byernes ha? Wala ang daddy nyo sa mansyon at wala akong kasama maliban sa mga katulong. Nakakainip doon." Sabi ni lolo at tumango naman kami't ngumiti.

"Gusto nyo na po bang magpahinga lo? I'll take you to your room." Sabi ni Liam pero umiling lang si lolo at kinumpas ang kamay.

"Hindi na muna. Dito muna ako, kumain na din muna tayo dahil sure akong hindi pa kayo naghahapunan. I heard that you've launched your team's May issue hija."

"Opo lo, kanina lang po, sumabay na po ako kay Liam pauwi dahil nga nalaman ko na nandito kayo." Sabi ko saka ko inalalayan si lolo na maglakad papunta sa dining table.

Nakita kong may mga paper bag na may tatak ng isang sikat na restaurant sa ibabaw ng lamesa.

"Nagtake-out na ako ng pagkain natin dahil alam kong busy kayong dalawa. Nakakapagluto ba kayo dito?" Tanong ni lolo habang paupo sa kabisera at nagulat pa ako ng ipaghigit ako ng upuan ni Liam kaya tahimik na naupo na lang ako doon saka sya tumabi sa akin.

"Surprisingly, my wife knows how to cook. Kaya hindi pa naman ako nakakaranas na magutom lo." Sabi ni Liam kaya naningkit ang mga mata ko.

"Mukha ba akong hindi marunong magluto ha?" Tanong ko pero tumawa lang sya't pinasakan na naman ako ng pagkain sa bibig.

"Yes, mukha kang manununog ng kitchen, and I would like to taste your cooking again but for the mean time, eat." Sabi nya at wala na naman akong nagawa.

Unexpectedly, hindi na awkward kung subuan man nya ako, nasanay na nga yata ako at parang ayaw ko ng gumaling yung bali ko.

JOKE!

"Why too sweet mga apo? Talaga bang alam ko pa rin ang 'real deal' sa pagitan ninyong dalawa o may nabago na?" May mapanuksong tanong ni lolo Basty kaya naubo na naman ako't dali-dali akong binigyan ng tubig ni Liam.

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon