Quennie Dela Cruz Smith
"I'm sorry Chelly, nagkaroon lang ng emergency sa bahay, besides, papatapos na naman na yung event ng iwan ko si Ken." I said while my phone is between my ear and shoulder.
"Fine, I'll let it pass. Chief said we should all have a day-off since wala pa naman masyadong ginagawa sa office dahil nga last event na iyon. I need to go. Bye." Sabi nito and I said bye too saka namatay ang tawag.
Ibinaba ko na lang ang cellphone ko sa lamesa at pinagpatuloy ang paghahalo ng pancake mix na ginawa ko. Friday ngayon, kaya mahaba-haba ang bakasyon ko. Buti na lang.
Gabriel and Liam are still sleeping, ang loko, nageequest kung pwedeng tabi-tabi kami matulog.
Hinayaan ko na since nandoon naman si Gabriel sa pagitan namin. Pero dahil hindi kami kasya sa kama ko ay lumipat kami sa master's bedroom, sa kwarto ni Liam. He also insisted on sharing the room with me dahil mag-asawa naman na nga kami, pumayag na rin ako dahil hindi naman ako naiilang na. Besides, if we want to make this marriage work, paunti-unti alam kong dapat naming dagdagan ang intimacy naming dalawa.
Liam might be a joker and playful sometimes but he respects me a lot. Isa pa, makakatikim sya ng flying kick sa akin kapag lumampas sya sa boundaries na hindi pa ako handa.
Tama na muna yung nanakaw nya ang first kiss ko. I'll consider that as our first kiss as husband and wife.
"It's still too early wife, but anyway, good morning." Someone said behind me kaya nag-angat ako ng tingin.
I smiled at Liam and he smiled back, lumapit sya sa akin saka ako hinalikan sa noo. He's still on his jogging pants and white shirt which is yung karaniwan nyang pangtulog. Actually he said he prefer to sleep without his top on, but since kasama nya kami ni Gabby kagabi ay nagsuot sya ng tshirt.
Sayang, di ako nakasilay sa abs. Charot!
"Seven na ng umaga, hindi na maaga yun." Sagot ko.
Wait, gutom na yata talaga ako, may nararamdaman akong kakaiba sa tyan eh. Joke.
Liam and I talk more last night about our plans regarding my parents case. Hindi ko na sya napigil na tulungan ako, he asked me the name of the culprit and looks like he wasn't shock to know about the fact anymore.
Sinabi na din nya kasi sa aking kilala talaga ang lalaking iyon sa mga under the table na illegal business.
"What's the menu for today?" He asked habang nagtitimpla ng kape naming dalawa.
"Pancakes, eggs, bacon and french toasts. Can you flip the pancake for me? Pupuntahan ko lang si Gabby." I said.
I decided to call our temporary son Gabby.
"Sure." Sagot ni Liam so I smiled and kiss his cheek na ikinagulat nya.
"Before I forgot, good morning too hon." Natawa pa ako ng hindi sya makapagreact sa ginawa ko pero umalis na ako sa kusina.
Nakapagisip-isip din kasi ako kagabi, that if Liam is making an effort, I think I should too. Little by little, I'm going to let my boundaries go down.
Nagpunta ako sa itaas sa kwarto namin—nakanaks lakas maka-namin, there I saw Gabby sitting in the middle of the bed at nagkukusot ng mga mata at mukhang kakagising lang.
He looks cute with his messy hair.
"Hello baby boy, did you had a good night sleep?" I asked ng makalapit ako sa kanya.
Tumango sya saka inispread ang mga braso and out of reflex, I hugged him. Siguro ito ang nakasanayan nya sa kanila.
Sinunod ko na lang ang instinct ko at hinagod-hagod ko ang likod nya saka sya hinalikan sa ulo ng humiwalay sya sa yakap.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...