Thirteen

31.2K 587 14
                                    

Quennie Dela Cruz-Smith

At last! I am finally healed!

Inunat-unat ko pa ang dalawang braso ko at parang wala mang nangyari sa akin. Oo nga pala, yung pusa na kinuha ko ay pumupunta-punta sa bahay namin, minsan bigla na lang sumusulpot pero di ko na sya kinukuha dahil baka mabalian na naman ako.

May pagkashunga pa naman ako minsan.

"Tsk. This is irritating." Napatingin ako kay Liam ng makita syang nag-aayos ng kwelyo ng polo nya.

Hininaan ko ang apoy ng niluluto ko at nilapitan sya.

"May problema ka?" Tanong ko habang yumuko para tignan ang ginagawa nya.

"Yes, we have this business conference and they required us to wear this shit." Angal nya at nakasimangot na sinukuan na ang ginagawa kaya natawa ako.

Iba nga naman ang polo na suot nya ngayon kesa sa palagi nyang suot, mukhang barong pero masalimuot sa may kwelyo na kahit ako hindi ko maexplain. Pero hindi naman sya nagmukhang pangit, infact kahit na ano nga yatang suot nyang damit ay babagay sa kanya.

"Elementary student ba kayo? Ba't may requirement pang isuot?" Natatawa kong tanong kaya lalo syang napasimangot. Pero lumapit na ako sa kanya para ayusin yung polo nya. Try lang, baka makatulong.

"No, we have this assosiation of businessmen and they will select three candidates to be the next chairman. They told us to wear this shirt for equality or...something." Sabi nya na ikinatigil ko pero binaliwala ko na agad, ramdam kong nakatingin na sya sa akin pero hindi ko na pinansin.

Baka kasi tuluyan na akong matunaw. Pero nag-angat ako ng tingin ng matapos at tinampal ng pabiro ang pisngi nya na natatawa.

"Kung walang tyaga, walang nilaga. Masyado kang mainipin, di naman pala ganoon kakomplikado yung damit. Maupo ka na at babalikan ko yung niluluto ko." Sabi ko at nakita ko syang napangiti. Naiiling na tumalikod na ako pero nagulat ako ng yakapin nya ako sa bewang mula sa likod at hinalikan ng mabilis sa pisngi.

"Thank you wife!" He said at para maitago ang pagkabigla at pamumula ay kinuha ko ang sandok at inambahan syang papaluin kaya natatawa syang umiwas at pumuntang dining table.

What will I do to you Mr. Smith? Tsk.tsk.tsk.

Hinain ko na ang mga pagkain at nagsimula na kaming kumain.

"Here wife." Out of nowhere na sabi ni Liam at pansin ko na nakatapat sa bibig ko ang kutsara na may lamang kanin at ulam.

Parehas kaming natigilan at hindi alam ang gagawin, nasanay na yata talaga kaming dalawa dahil doon ko lang din napansin na wala akong kutsara at tinidor sa harapan ko.

Tahimik kaming dalawa at parehas pa kaming natawa't naiiling na lang sa kung anong nangyayari sa amin.

Tama yan Quen, tawanan mo, kahit hindi mo alam kung anong nakakatawa. Kung nakakatawa ba na nasasanay ka na sa kanya o yung nakakatawa na hindi mo alam ang nararamdaman mo.

Save by the bell na nagring ang cellphone ko. Sumenyas akong sasagutin ko lang at tumango naman sya.

I went out of the dining area saka ako pumunta sa may garden sa likod para sagutin ang tawag ni Chelly.

"Hello?"

"Quen, we need you here, as much as possible ay pwede na bang pumasok ka na?" May urgency sa boses ni Chelly kaya napakunot ang noo ko.

"Why? Its only seven in the morning, anong meron?" Tanong ko.

"Eh diba Lila and I have a business conferrence na dapat puntahan at i-cover ang event para for future use natin sa magazine?"

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon