Quennie Dela Cruz-Smith
"Remember what I told you, no one should know that we are married." Sabi nito sa akin at napabuntong hininga na lang ako sabay lapag ng waffles sa harapan nya.
"Pangilang beses mo na bang sinabi iyan? Wag kang mag-alala, ayoko ring malaman ng iba Mr. Privacy freak." Sabi ko saka naparoll eyes na kumain na din ng agahan.
Tuesday ngayon, papasok ako sa trabaho at sya naman ay pupunta din sa Miranda Publishing Company para sa photoshoot nya sa ilalagay na pictures nya sa magazine maging sa cover nito.
"Tsk.tsk.tsk. For someone who needs me, you're very rude." Sabi nya na akala mo ay dissappointed talaga sya sa inaasta ko.
Like, as if!
"Ha! Look who's talking. Saka pwede ba, baka mamaya ay makipagusap ka ng ganito sa akin at maghinala pa sila. Pretend that you don't know me and I'll do the same. Intiendes?" Sabi ko sabay turo pa sa kanya ng tinidor ko.
Nagpangalumbaba naman sya at may mapang-asar na ngiti akong hinarap.
"You don't look like a stranger to me." Sabi nya kaya naiiling na lang akong pinagpatuloy ang pagkain.
"Ewan ko sayo. Tatawanan talaga kita kapag pumalpak ka mamaya." Bulong ko sa huli pero narinig pa rin nya.
"Oh no, sweetheart, failing isn't part of my dictionary." Mayabang na sagot nya sa akin kaya napa-angat ako ng tingin at nagmake-face.
"Bakit? Nakaranas ka na bang sumalang sa photoshoot? For all I know, you're a privacy freak kaya naisip kong ayaw mo rin sa camera." Baliwalang sabi ko pero umiling sya't pinagpatuloy na rin ang pagkain.
"Its not my first time to be in a photoshoot. I have an entertainment company, malamang ay nakuhanan na din ako ng litrato doon. But I didn't let them put it on public." Sabi nya.
"Nga pala, may ibinigay ka bang terms of conditions sa team namin?" Tanong ko, nakakacurious kasi dahil hindi ko na naitanong sa mga katrabaho ko.
Nakita ko syang tumango and pointed his fork at me like what I did to him awhile ago.
"You, will be my photographer." Sagot nya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Ano??!! No way!" Pagalma ko pero nagkibit balikat lang sya saka pinunasan ang bibig at tumayo.
"You don't have any choice, it's my condition. Hurry up, you'll be late for our shoot." Sabi nya at iniwan na ako sa dining.
Naiiling na niligpit ko na lang ang pinagkainan naming dalawa saka nagtooth brush at kinuha ang bag sa sofa saka umalis na rin ng bahay.
Kainis, hindi naman ako professional photographer, may balak siguro talaga syang papangitin ang magiging kalabasan ng magazine namin kahit pa sya ang itatapal namin sa front cover bilang limited edition.
Isa lang iyong hobby at hindi seryosohan, how did he knew that I like taking pictures anyway? Ah basta!
Akala nya papatalo ako sa kanya? Pinalaki ako ni lola ng palaban at walang inaatrasan! I will make sure na lalabas na maganda ang nakakainis nyang mukha kapag ilalagay na iyon sa magazine namin!.
I can't wait to insult him later! Bwuahahahah!
~~~~~~
One word.
Nganga.
Kinain ko yung mga sinabi ko, I took one shot of him, just to test the angles pero ang loko, effortless ang pagpapagwapo.
Mukhang sanay nga sya sa camera dahil hindi sya nagfreak out—which he would look gay if he did—at kapag may sinasabi akong anggulo ay agad nyang nasusunod.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...