Quennie Dela Cruz
"Ano??" Gulat na tanong ko pero nanatiling kalmado ang mukha nilang dalawa as if they are already expecting my reaction.
Tumawa ako ng tumawa na akala mo ay nakarinig ako ng bentang-benta na joke ni Ken.
"Excuse me lang po——wait, how old are you?" Kunot noong tanong ko kay Mr. Smith and he answered me without further ado.
"Twenty seven."
"Okay, so no need for formalities—pero ano?? Seryoso?? Joke ba to??" Tanong ko ulit pero umiling lang ang dalawa.
"You need to sign it hija, it's for your own good." Sabi ng isang boses at lahat kami ay nag-angat ng tingin to see an old man with a cane na papasok sa opisina. Naka-alalay dito ang isang lalaki na kahawig ni Mr. Smith which I think is his father?
"May I?" Tanong nito na humihingi ng pahintulot na maupo sa upuang kinauupuan ko.
Tumango ako na parang timang.
"Hello Quennie, it's nice to see you again, ang laki-laki mo na." May tuwa sa mga mata nito ng banggitin nya ang pangalan ko.
Kumunot ang noo ko at pilit inaalala ang pamilyar nyang mukha.
I'm sure I saw him somewhere lalo na ngayon na nakita ko ng mas malapit ang mukha nya."Do I look familiar to you?"Tanong nya at tumango ako kasi totoo naman.
Aha!
"Lolo Basty??!" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko sa kanya at malaki ang ngiting tumango sya.
"Waaah!!! Ang galing! Ikaw nga lo! Kamusta na po kayo lo?!" Hyper na tanong ko at nagyakapan pa kami.
Narinig ko syang natawa at ng kumalas sa yakap namin ay inakbayan ko sya. Si lolo Basty ay nakilala ko noong ten years old ako, he always visit grandma sa bahay namin at doon kami nagbabonding na tatlo. At first I thought na manliligaw sya ni lola, malay mo naman diba? Walang pinipiling edad ang love, pero nakatanggap ako ng batok sa lola ko dahil purely platonic daw ang relationship nila ni lolo Basty.
Ansabe ng platonic? Dinugo ilong ko nun kasi di ko pa alam ang ibig sabihin. Pero kidding aside, magbestfriends sila ni lola since birth, natigil lang ang pagbisita nya sa amin noong magseventeen ako.
"Grabe lo hindi ko kayo agad nakilala agad kanina, gwapo pa rin natin ah? Ano po bang sikreto mo dyan? Share naman." Sabi ko at natawa na naman sya sa kin.
"Hindi ka pa rin nagbabago hija, I'm doing good. Ikaw apo? Ang ganda-ganda mo na. May asawa ka na ba? Kasintahan? Ano?" Tanong nito sa akin at napanguso na lang ako.
"Sorry lo, wala akong dalang piso, at wala ho lo, masyado akong busy para dyan." Sabi ko kaya natawa sya't ginulo ang buhok ko.
"Mabuti naman." Komento nya at magsasalita na dapat ako ng may umubo sa gilid namin.
"Ehem."
"Ah! I almost forgot, Quennie hija. This is my son Samuel Smith." Pakilala sa amin ni lolo Basty sa isang lalaki na older version lang ni Mr. Smith.
Nagkatinginan kami ng lalaking may gentle na ngiti at inilahad nito sa akin ang kamay nya.
"Nice to see you again hija. Welcome to the family." Sabi nito na ikinakunot man ng noo ko dahil sure akong ngayon ko lang sya nakita ay kinamayan ko pa rin.
"Nice to meet you din po. So, ano pong meron dito Mr. Smith?" Takang tanong ko dito.
I prefer to call him Mr. Smith since wala naman syang sinabi na tawagin ko sya sa pangalan nya.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...