Nine

29.9K 848 66
                                    

Quennie Dela Cruz- Smith

Naging abala ako the following days. Hindi na kami halos nagkakakitaan ni Liam dahil pumunta syang Pampanga for a business meeting. Tatlong araw sya doon at saktong friday na ang uwi nya.

But he never failed to call me and ask how I am. He even told me to send an invitation to S&M which is one of the company he owns na sikat sa bansa for handling talented models and artists, and also for its news program.
One invitation and he told me to expect his men to come.

Nagagawa nga naman ng connections.

Pero aaminin ko na nakakamiss din pala ang loko, wala akong kasabay sa agahan at hapunan eh. Saka mas ramdam ko ang hirap na isang kamay lang ang functional dahil wala sya. When he was here, he's always there to assist me.

Napailing ako. Nagiging dependent na naman ako sa isang tao. This is bad.

"Is it okay? Pantay ba?" Tanong nina Gerald at Joe na kasalukuyang isinasabit ang makapal na kurtina para malagyan ng kaunting kaartehan yung stage.

"Oo! Okay na!" Sagot ni Chelly as she gave them a thumbs up.

Naalis ang tingin ko sa kanila ng may kumuhit sa akin.

"Oh! Lizza, what brings you here?" Tanong ko ng may ngiti sa babaeng may bitbit na ecobag.

"Wala naman, tinitignan ko lang kung okay kayo dito. Ang ganda ah? Nice." Komento nya na ikinangiti ko.

The thing is, Lizza, my friend na nagkataong ang mama nya ay nagtatrabaho sa isang firm na hindi naman kasikatan pero nag-aalok ng mga lugar na pwedeng maging event hall na maayos ay ang syang nakatulong sa akin.

I was the one who paid the rent for the venue at pinalabas ko na lang sa mga kasama ko na nabigyan ako ng discount. Malawak ang hall na naibigay sa amin sa tulong na nga ng mama ni Lizza.

"Salamat talaga Liz, akala ko hindi na ako makakahanap ng venue." Sabi ko pero umiling lang sya't tinapik ako.

"Hindi no, osya, dinalhan lang kita nito, luto ni mama. Kumain ka, nakakalimutan mo na yatang kumain. Alis na ako." Sabi nya at yumakap ako sa kanya gamit ang kaliwang kamay at ngumiti naman sya't kumaway habang paaalis.

"Ano pang maitutulong ko?" Tanong ko pagkalapit ko kina Chelly at Lila na abala sa paguusap.

"We still need sound system, chairs and proper lightings for the whole place." Sagot ni Chelly kaya tumamgo-tango ako.

"May sosobra ba sa budget?" Tanong ko.

"Wala na." Nanlulumong sagot ni Lila at nagulat kami ng sumigaw si Joe kaya napatingin kami sa kanya na papalapit sa amin.

"Huy, may dumating na team, sila daw ang magaayos sa lighting at sound system. Nakakuha na ba tayo? Diba sabi mo Lila wala ng budget at naubos na sa cater?" Takang tanong ni Joe sa amin.

Napatingin lang kaming apat--lima, kasama si Ken ng may lumapit na lalaki sa amin na mukhang leader ng mga men in black. Nakatshirt kasi silang itim at pantalon na itim.

"We're from the Luminox Agency ma'am. Mr. Smith send us here to help." Sabi ng lalaki na ikinatulala ko.

Namin pala.

"What's happening here?" Tanong ni Chief na kararating lang.

"Oh? Pwede na kayong magsimula boys. Just put the sound system near the stage." Sabi ni Chief at tumango ang mga ito at nagsimula ng gumalaw.

Nakatulala lang naman kaming lima at tinignan silang maglakad kung saan-saan sa kabuuan ng hall para magkabit ng mga ilaw at speakers.

"Wag na kayong matulala. Mr. Smith already informed me na gusto nyang tumulong. Another team will come for the tables and chairs." Sabi ni chief na parang wala lang kaya nagsihiyawan na sa tuwa ang mga kasama ko dahil solved na ang problema namin.

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon