Special Chapter One

27.9K 451 1
                                    

Quennie Mendez- Smith

"Sabi na eh! I knew it!" Bulalas ko pagkakita ko pa lang sa dalawang tao na magkahawak kamay na papasok sa opisina ko.

"Wala ka namang sinabi." Sagot sa akin ni Chelly.

Pabiro akong umirap.

"Ah basta. Maupo kayo, anong sadya nyong dalawa ah?" Tanong ko kina Chelly at Ken.

Chelly blushed at tila nahihiyang napakamot naman si Ken sa batok nya.

"What? Para namang bago pa lang tayo magkakakilala. Spill it." Natatawa kong sabi.

"Well, Ken and I are getting married."
Sagot ni Chelly at nanlaki ang mga mata ko't napasinghap.

"Waaaaaah!!!! I'm happy for you! I mean, for the both of you! Kelan? Saan? Invited ako?" Sunud-sunod kong tanong kaya natawa na sila.

Ken handed me the invitation at kaagad kong tinignan.

"Yes you are, gagawin ka naming ninang." Sabi ni Ken kaya napasimangot ako.

"Ah ganon? Psh." Sabi ko pero tumawa lang ulit sila.

"Joke lang, you're one of the bridesmaids, flower girl si Stella." Sabi ni Chelly kaya napangiti ako.

"Thank you. We'll surely come, so ano nang plano nyo nyan?" Tanong ko sa kanila.

"Well, pinagsasabay namin ang trabaho at preparation sa kasal, although medyo nahihirapan na kami nitong nakaraan dahil malapit na nga. So we're here to give you this." Sabi nya sabay abot sa akin ng panibagong envelope and saw that it was papers for a three month leave.

"We decided to focus on our wedding first, and then have a vacation after. If you're going to approve it." Sabi ni Ken at kinumpas ko pa ang kamay ko.

"Wala yun ano ba kayo. Of course I'll approve this. Sino ba ang magkakasama sa kalokohan dati?" Biro ko at natawa kaming tatlo.

"Thank you Quen." Sincere na pagpapasalamat ni Chelly at naghawak kamay pa kami.

"Anytime. Best wishes for the both of you. Ikaw Ken, alagaan mo tong kaibigan ko ah! Sapok ka sakin pag sinaktan mo to." Banta ko at napangiti lang sya.

"Will surely do. Don't worry." Sabi nito at tumango ako.

"Well then, we have to go, may food tasting pa kasi kami. Thank you for your time Ms. CEO." Kantyaw ni Chelly at napailing na lang akong pinagmasdan silang lumabas ng opisina ko.

When Gabby turned eleven, ako na ang nagmanage ng S&M, apparently S&M was the company that my grandmother and lolo Basty worked for na pinamana nila pareho kay dad(Liam's father) at sa mommy ko.
S&M stands for Smith & Mendez na syang tinutukoy sa last will ni lola na makukuha ko ang shares ko kapag nagpakasal ako kay Liam. A part of the contract before.

Since I know nothing about handling a business dahil more on the writing and researching side ang alam ko. Liam taught me everything that he knows and I had fun learning from him actually. Mas nakilala ko pa ang asawa ko and I can say that I am impressed.

Pero hindi ko pa rin kinuha ang position as a CEO kahit na may alam na ako noon. Instead, the first thing I did was to buy Point Magazine para mailipat sa S&M ang rights nito at inilipat ko ang team namin sa opisina ng S&M.

Liam supported me with what I want dahil alam nyang mahal na mahal ko ang team namin. Simula din noon ay mas naging aware ako na marami talagang nagagawa ang pera dahil medyo nahirapan kami sa pagkuha sa Point Magazine. Tsk tsk tsk.

But now Point Magazine has been on top, nagagawa na nitong makipagsabayan sa mga top magazines sa bansa and also in Asia. Nagretire na si Chief at ang pumalit na ay si Chelly while Lila replaced Chelly's position and there, same team pa rin pero nagdagdag lang kami ni Chelly ng staff para mas marami silang makatulong.

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon