Quennie Dela Cruz-Smith
"IS everything okay now? Geez, may pupunta kayang media men? Ilan ba ang nabigyan ng invitation?" tanong ni Chelly sa amin na nasa reception area.
"We gave ten teams pero di ko sure kung tatanggapin nila iyon like what they always do tuwing may launching tayo. Hindi naman nila tayo pinapansin dahil nga ang tingin nila sa atin ay puchu-puchu lang tayo." nakasimangot na sabi ni Lila at wala akong nagawa kundi tumango.
Ang buong team ay halos mga nakapostura, ako lang ang panira ang cast sa braso na may arm sling pa kaya tinakpan ko na lang ng coat na ipinatong ko sa magkabilang balikat. Anyway, today is the day for launching our May issue, black, white and gold are the dominant colors and the lighting team did a great job adding an elegant ambiance with the place.
Si chief ay abala sa pakikipagusap sa mga higher ups na imbitado din sa event although ni wala naman silang naitulong sa amin, for formality lang kung baga.
Kapag talaga naging successful itong event na ito ay talagang malaking sampal na sa kanila iyon, because chief told us na kung ano man ang makukuha naming credit ay mananatiling sa magazine team lang iyon. Kaya pare-parehas kaming nagdadasal na maging successfull ang event na ito.
"Oh my gosh! Is that Paul martinez from S&M??" nanlalaki ang mga matang tanong sa amin ni Lila kaya pare-pareho kaming napatingin sa entrance ng hall kung saan nandoon ang isang lalaki na kilala bilang isang sikat na showbiz newscaster.
Hindi sya katangkaran, he's slim and a fashionista for a guy whose already in his fourties? Basta mga ganung datingan at mahahalata mo sa kanya ang confidence at the same time ay mukha pa ring humble.
As if on cue, lumapit ito sa kinaroroonan namin, he smiled at us kaya ngumiti din kami pabalik.
"What a beautiful place, I'm Paul Martinez from S&M, our team have received an invitation from a certain Ms. Dela Cruz and we are curious to what the Point Magazine has on their limited edition." may ngiting sabi nito and good thing Chelly was professional enough para makarecover agad sa pagkagulat.
"Well, we are thankful that you've given an attention to our magazine." sabi ni Chelly.
"It's a pleasure too. So, would you mind telling me who's the man behind the trending cover of your magazine?" tanong nito pero ngumiti lang si Chelly.
"I think we should wait for the main event for this night. I'll accompany you to your seat sir. Shall we?" sabi ni Chelly at ngumiti ito saka tumango.
Nang makaalis sila ay nakatanggap ako ng sundot sa tagiliran mula kay Lila.
"Kaloka ang kamandag mo bruha, napapunta mo ang isang Paul Martinez sa event natin! Ang laking hatak nun!" tuwang-tuwa na sabi nya kaya ngumiti na lang ako ng bahagya.
Actually, kailangan kong magextra challenge na within ten minutes ay makarating ako sa kabilang panig ng metro para lang maidala ang isang file sa unggoy kong asawa.
Pero hindi ko sinabi yun syempre, sa amin na lang dalawa ni Liam iyon. Speaking of, ni hindi ko pa sya nakakausap this day except for breakfast, as usual baka busy na naman sa opisina iyon dahil marami syang naiwang trabaho. He's not entitled to attend the event anyway kahit sya pa ang cover dahil ang lahat ng maaaring gustong malaman ng media ay nasa magazine na.
Unless they want more answers to their infinite line of questions. Kinakabahan lang ako dahil siguradong ako ang magigisa once na malaman na ng mga tao na ako ang writer behind the article.
But that's what I want, that's what I need, ang makilala ako, ang macurious sila sa akin, that way, the people I want to notice me won't have a hard time finding me anymore, and that will be the time for me to make a move.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...