Quennie Dela Cruz-Smith
Weeks have passed and Liam never failed to make me feel loved. He became more sweet and caring to the point na pwede na kaming langgamin dalawa sa ka-sweetan nya. But I'm starting to get annoyed sa late na pag-uwi nya nitong mga nakaraan, kapag weekends ay hindi na din sya madalas makipagkulitan kay Gabby dahil abala din sya sa trabaho kahit nasa bahay na sya. Which is new dahil sya mismo ang nagsabi na kapag weekends ay sa amin nya ina-alot ang oras nya.
When I ask him if there's something wrong sinasabi lang nyang trabaho lang daw and that there's some work he needed to finish fast, kaya wala na akong magawa kundi hayaan sya, but deep inside I'm worried.
Gabby's birthday will be tomorrow at naisipan kong maghanda ng maliit na party sa bahay namin para sa birthday nya, iimbitahan ko lang ang mga katrabaho ko maging sina lolo Basty at dad. Sinabihan ko din ang mga kasamahan ko na dalhin ang mga pamangkin nilang mga bata para may makalaro si Gabby.
Nakapagusap na rin kami nina Lila and Chelly and they gladly wanted to help me preparing things, kaya hindi na rin ako masyadong nakakapanood ng tv o ano man dahil nga abala ako sa paghahanda.
Now I'm busy listing things I need to buy tomorrow morning para sa mga iluluto ko for Gabby's birthday. Tulog na ang bata kanina pa and its already ten in the evening at wala pa rin si Liam. He usually goes home at seven pero ngayon nga at noong mga nakalipas na araw ay late na sya umuwi.
I don't want to doubt him, kasi malaki ang tiwala ko sa kanya, and maybe I just need to ask him.
Napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang tunog ng kotse nya. I pretended to be busy writing on my notepad sa salla ng pumasok sya sa bahay.
Maluwag na ang pagkakaayos ng kurbata nya at nakabukas na ang dalawang butones, nakasampay na lang din ang coat nya sa braso habang hawak nya sa isang kamay ang bag ng laptop nya. His usual look when he goes home, nakita ko pa syang napapahilot sa sintido nya na mukhang stress na stress sa trabaho.
"You're here." sabi ko na ikinagulat nya kaya napatingin sya sa gawi ko.
"Bakit gising ka pa? It's already late." sabi nya saka naupo sa tabi ko at hinayaan ko syang isandal ang ulo nya sa balikat ko.
"Magg-grocery ako bukas ng umaga." sabi ko
"Isasama mo si Gabby?" tanong nya pero umiling ako.
"No, Chelly will come here tomorrow para sya muna magbantay kay Gabby." paliwanag ko and I was waiting for him to insist na sasamahan nya ako pero hindi nangyari.
"Bakit ka ba magg-grocery bukas? Diba may stocks pa tayo?" takang tanong nya and I gave a really-you're-asking-that-look.
Hindi ba nya alam na birthday bukas ng anak namin?
"Hindi mo ba alam ang okasyon bukas?" tanong ko starting to get annoyed lalo na ng tignan nya ako ng nagtataka din at halatang walang kaalam-alam sa okasyon bukas.
"No, meron ba?" tanong nya at nainis na ako kaya tumayo ako kaya muntik na syang mapsubsob sa sofa dahil sa biglaan kong pagtayo.
"Bakit ka biglang tumayo??" inis na tanong nya ng makaayos sya ng upo. Hindi ko sya pinansin at kinuha ko na lang ang notepad at ballpen ko saka sya inirapan.
"Ewan ko sayo, isipin mo muna kung anong okasyon bukas. Naiinis ako sayo, these past few days late ka ng umuwi, pati weekends nagtatrabaho ka. Palagi akong nagtatanong kung may problema ka ba o ano pero humihindi ka ng humihindi." sabi ko and I saw him sigh at napahilamos pa sa mukha. He looks like he wanted to talk pero pinigilan nya ang sarili.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...