Quennie Dela Cruz- Smith
Sabado
Walang pasok, nasend ko na kaninang madaling araw pagkagising ang copy of interview ni unggoy kay Chelly since sya ang second in command namin at team leader.
Sila na ang bahalang umayos noon dahil gagawa din naman ako ng article patungkol sa ibang bagay na ilalagay din sa magazine. Our theme for this May issue is black and dull colors with a touch of gold, it will look classy and elegant at the same time. Sa friday ilalabas ng team ang ginawang teaser image ni Gerald at kahit loko-loko sya, I must admit that he did a great job on making the teaser photo.
Sa monday naman pipili ang team ng gagawing cover photo para sa magazine maging ang sa back page nito.
I am excited at the same time ay kinakabahan, lalo na sa magiging feedback ng mga tao sa ilalabas na teaser since doon din namin malalaman kung makukuha nga namin ang interes ng mga tao.
William Xander Smith is always a hot topic, marami ang curious at humahanga sa kanya. Iyon ang isa sa realidad na hindi ko na pwedeng itanggi pa, at well, isama na na ako ang toka sa labahin ngayon.
Kaasar!
I picked up my phone dahil baka makareceive ako ng important text message sa trabaho saka naglakad na papunta sa washing area dahil nakatapos na naman na akong magjogging.
Ng mapadaan ako sa garden ay nakarinig ako ng tunog ng pusa.
Kumunot ang noo ko dahil mukhang nasa malapit lang.
Lumabas ako sa bahay at pumuntang garden, I look up since doon nanggagaling ang tunog, there, I saw a very cute and fat brown cat na mukhang hindi makababa.
"Teka lang ah? Kukuhanin kita. Saan ka ba galing? May may-ari ba sayo?" Pagkausap ko sa pusa at sinimulan ng higitin ang ladder na nakita kong nakasandal sa isang tabi.
"What are you doing?" Napatalon ako sa gulat ng marinig kong magsalita ang nag-iisa kong kasama sa bahay.
Whoo! Buti naman at hindi pa ako baliw para isiping ang pusa ang kumausap sa akin. Boses pa lang kasi nya alam ko na, at ewan ko kung bakit gayong mag-iisang linggo ko pa lang syang kasama.
"Kukuhanin yung pusa. Baka sa kapitbahay to, isauli natin, saka kawawa naman. Hindi makababa." Sabi ko at inayos ang ladder na malapit sa kinaroroonan nito.
He went near me kaya napatigil ako.
"Ikaw na ang kukuha?" Tanong ko.
"No, I'll just hold this ladder para makayanan naman nya ang bigat mo. Kawawa kasi." Pang-aasar nya kaya pinalo ko sya sa braso at inirapan pero tinawanan lang nya.
Umakyat na ako gamit ang hagdanan saka inabot ang pusa, luckily, lumapit ito sa akin kaya niyakap ko ito't tinatantya ang pagbaba.
Pero sadyang may pagkashunga din talaga ako minsan kaya namali ang tapak ko sa isang paa.
"Quennie!"
Ayun, hulog.
"Aray..." daing ko at sapu-sapo ang kanang braso at balakang dahil patagilid ang naging bagsak ko. Nabitawan ko din yung pusa na di ko alam kung saan napunta, pero gusto kong mapapalakpak sa nakita ng magmulat ako ng mga mata.
"Wow! Yung pusa ang sinalo hindi yung tao. Nice move Mr. Smith! Aray! Shit." Sarcastic, pero napadaing ako at parang timang na doon nya lang narealize na ang hawak nya ay pusa at hindi tao.
Agad syang lumapit sa akin at binitawan yung pusa.
"I'm sorry, can you get up? Where does it hurt?" Tanong nya na puno ng pag-aalala at wala na lang akong nagawa kundi ang ituro ang kanang braso ko.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...