Seven

34.2K 746 32
                                    

Quennie Dela Cruz-Smith

Nakangiti akong bumaba sa hagdan dahil maganda ang gising ko. The magazine is on the work at iyong article at interview na lang ang trabaho ko dahil sinabihan ako ni chief na magfocus doon.

Today is friday and

"I'm free!!" Sigaw ko habang nakaunat pa ang dalawang kamay.

"What a nice way to greet the morning." Agad napababa ang mga kamay ko at napatingin sa taong pababa pa lang ng hagdan.

Napakunot ang noo ko ng makitang nakapambahay lang sya, which is a simple shirt and khaki shorts.

"Wala kang pasok?" Tanong ko.

"---sa trabaho." Dagdag ko dahil baka magbarahan na naman kami.

"I gave you my word to give my interview on friday." Sabi nya kaya napamaang ako.

Wow, so nag-absent sya for this interview?

"Don't get your hopes up, I'm tired from all the work this past few days. I need a rest." Sabi nya kaya napakamot na lang ako sa batok.

"Dami mong sinabi, osya kumain muna tayo dahil nagugutom na ako. Pagkakain na lang kita tatanungin." Sabi ko habang naglalakad na papunta sa kusina at hindi ko na sya hinintay.

Nagsquat ako sa harap ng ref para kumuha ng mga gagamitin ko sa pagluluto.

Grabe, nasasanay na talaga akong magluto sa isang linggo pa lang. Noong ako lang mag-isa, hindi ko pinagluluto ang sarili ko at minsanan lang. Pero ngayon kapag umaga, nakasanayan ko ng magluto ng dalawang putahe, isa para sa breakfast at isang ulam dahil may unggoy na nagbabaon ng packed lunch. Pero dahil hindi naman sya papasok at ganoon din ako, mamaya na lang ako magluluto ng tanghalian.

Oh well, wala namang mawawala. Mas masarap pa rin talaga ang home-cooked.

Mabuti na lang din at tinuruan ako ni lola na magluto kundi pareho kaming magugutom.

"What are you thinking?" Tanong nya kaya umayos ako ng tayo at tinignan sya.

"Kung anong lulutuin. Tapa o tocino?" Tanong ko sabay angat ng dalawang inalok ko.

"Tapa." Sagot nya at nagkibit-balikat ako saka kinuha yung tirang kanin kagabi para gawing sinangag.

I started to cook at nakita ko syang lumapit sa kinaroroonan ko para magtimpla ng kape.

I thought he'll just make his coffee pero nagulat ako ng gawin nyang dalawa.

"Here." Sabi nya kaya kinuha ko at humigop ng kape.

"This is nice." Sabi ko ng matikman ang ginawa nya.

"Yeah, unlike the coffee you made me last Monday night." Sarcastic na sagot nya kaya natawa ako't nagbelat sa kanya.

"Kasalanan ko ba kung magaling kang mambwisit. Good thing I'm already free. Humanda ka sa akin, ikaw naman ang pahihirapan ko." I said jokingly. I don't know, talaga lang sigurong good mood ako ngayon.

"It's okay to be your slave." Sagot nya kaya napatigil ako't nakakunot ang noo na napatingin sa kanya.

I saw him staring at me na agad naman nyang ikinaayos ng tayo at umubo saka sya nagroll eyes. Yung manly na irap.

"Masusunog na yung tapa mo." Sabi nya kaya agad akong napatingin sa niluluto ko at tama nga.

Dali-dali kong binaligtad yung tapa at hininaan ang apoy.

"Doon ka na nga! Distraction ka eh." Sabi ko at gusto kong bawiin ang sinabi ko ng makita ko syang may mapaglarong ngisi.

"So you find me distracting huh?" Sabi nya na ikinailing ko na lang.

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon