Twenty Eight

31K 510 8
                                    

Quennie Dela Cruz- Smith

Liam and I ate breakfast in our house, ng matapos ay saka kami lumarga para kuhanin kina lolo Basty si Gabby at para makabawi na rin sya sa bata.

"Is he mad at me?" tanong ni Liam habang nasa byahe kami at umiling ako.

"Hindi sya galit, we can never get mad at you, he was just upset." paliwanag ko at napabuntong hininga sya.

"I'll make it up to him." sagot nya at tumango ako, nagfocus na sya sa pagmamaneho at tahimik lang naman ako. Until I decided to ask him about his company.

"Kamusta na sa kompanya? Okay lang bang hindi ka pumasok ngayon?" tanong ko at tinignan nya ako saglit saka nginitian. Bakit kahit side view nya ang lakas pa rin ng dating?

"It's okay, ayos na naman na yung problema, nahuli na yung nagnakaw ng pera. Napaamin na rin namin kung sinong nagutos sa kanya like what I've suspected and again, it was Lee's order." paliwanag nya at tumango-tango ako.

"How about the deliberation? Nakwento sa akin ni dad iyon kahapon, kelan yon?" tanong ko and he kissed my hand first before answering.

"Kahapon din yon, I was about to call home para kamustahin si Gabby pati ikaw, but something happened, it went well though. Within the first week of the next month ang election, will you come with me?" tanong nya.

"Anong something happened muna? May nangyari pa bang iba?" kunot noong tanong ko.

"Well...it was nothing---" napansin yata ni Liam ang tingin ko sa kanya kaya napabuntong hininga na lang sya't ngumiwi sa akin.

"Sorry, no secrets, right. Well, it was nothing actually. Mr. Lee just mocked me and your husband is smart enough to record everything. Hindi ko alam na magagamit ko pala yung recorder na kinuha ko sa opisina ko." sabi nya at tumango-tango ako.

"That was a strong proof though, and I could add that too all the evidences we have about his wrong doings." sabi nya at napabuntong hininga ako.

"Naipadala na ba yung warrant of arrest sa kanya?" tanong ko

"Yes, pero hindi nya pinansin. Sina dad ang nag-aasikaso doon at makibalita na lang tayo sa kanya mamaya." sabi nya pero umiling ako.

"Wag na muna, masisira lang ang araw natin. Let's just focus on Gabby first." I said, tinignan nya ako saglit saka nakakaunawang tumango.

"So, what about the election? ano namang meron doon?" tanong ko para maiba ang usapan, nabibwisit lang kasi ako kapag naririnig ko ang pangalan ng Lee na iyon. 

Mabagal man kasi ang paghuli sa kanya, alam kong gumagawa ng paraan sina Liam para talagang ang kabubulukan nya ay ang kulungan. Naikwento din sa akin ni lolo Basty na kaya lang nakakalagpas ang Lee na iyon sa batas ay dahil nasusuhulan nya ang iba sa mga ito para tumahimik. Kaya kahit ilang warrant of arrest ang ipadala sa kanya, nakakatakas at nakakatakas pa rin sya madalas, and I hope that this time, mahuli na sya. 

"Imbitado lahat ng mga businessman sa bansa at maging ang mga asawa nito to vote for the next chairman they want. Since its just a private election, sa araw na ring iyon kami bibigyan ng pagkakataon na makihalubilo at mangampanya sa mga kapwa namin businessmen. But I'm not after it though, I had no choice but to attend and  all I want is for it to end." sabi nya at tumango-tango ako.

"Pero kung makakatulong ka naman sa iba why not do your best to win?" komento ko.

"Tito Magnus also said that I should win, pero hindi ako sigurado, I want to help, but aside from the additional work, siguradong dadami din ang kaaway ko sa negosyo. I told you that I want a peaceful life for us after solving our problem with Lee." paliwanag nya na naiintindihan ko naman.

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon