Quennie Dela Cruz
Mahimbing akong natutulog ng maramdaman kong may kumukuhit sa paa ko. Inis na sinipa ko ito habang nakapikit.
Late na ako nakatulog! Ano ba!Saka sabado ngayon kaya pwede late magising!
Akala ko mawawala na pero may kumukuhit na naman.
"Ano ba~" angal ko ng nakasimangot na. Hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata dahil antok na antok pa rin ako.
"Wake up sleepyhead." Sabi ng isang boses at nanlaki ang mga mata ko sa pagmulat.
Siopao, minumulto ba ako ni lola? Bakit? Saka bakit sya naging boses lalaki?
Sa takot ko na baka mumu yung nagsalita ay ipinikit ko ulit ang mga mata at nagkunwaring tulog.
Mas maigi ng hindi ko makita ang mukha ng multo.
Wala na akong narinig matapos ng boses na iyon. Akmang babalik na ulit ako sa mahimbing na pagkakatulog ng---
*splash*
"Anak ng tinapa--! Anong ginagawa mo dito?!!" Inis na tanong ko sa lalaking nasa may paanan ng kama ko habang hawak ang isang tabo na tingin ko ay doon galing ang tubig na itinapon nya sa akin.
Napansin kong hindi sya nakasagot at nakatingin lang sa akin, specifically sa katawan ko. I looked at my soaking body at napansin na mukha akong basang sisiw, walang bra at bakat ang---
"Kyaaaaaaaah!!!!Pervert!!" Napatili na lang ako at kinuha ang kung anong makuha ko saka binato sa kanya.
"Aray!" Rinig kong sabi nya kasunod noon ay ang pagkawala ng katawan nya sa harapan ko.
Dali-dali akong umalis sa kama at sinilip sya sa sahig.
Ayun. Tulog.
Napakagat ako sa kuko ko--don't worry malinis naman--siopao! Alarm clock pala ang nabato ko.
Lumuhod ako sa tabi nya at tianpik-tapik ang pisngi nya.
"Huy! Buhay ka pa ba? Paano ka nakapasok dito? Ikaw kasi nanggugulat ka. Huy! unggoy!" sabi ko habang tinatapik-tapik ang pisngi nya pero wala pa rin, umungot lang sya pero hindi nagmulat ng mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng sugat sa noo nya na may kaunting dugo, hindi naman OA yung sugat pero bakit sya nahimatay?
"Hala! Anyare sayo? Kainis naman!" bulalas ko sa sarili saka tumayo sa kinaluluhuran at iniwan sya dun.
Syempre joke lang, pero kailangan ko munang magpalit ng damit dahil basang-basa ang upper body ko.
Mabilis akong nagpalit ng damit saka binalikan ang lalaking unggoy na nasa lapag pa rin hanggang ngayon.
"Tsk.tsk.tsk.tsk. Weak, alarm clock lang pala ang katapat mo eh." sabi ko saka kinuha ang isang kamay nya.
Pinorma ko ang sarili at yumuko ako ng bahagya habang hawak pa rin ang isang kamay nya. Kung gising sya at kung titignan para ko lang syang tutulungan na tumayo pero dahil hindi, hinila ko sya saka sya sinambot ng balikat ko at inakbay ko ang isa nyang kamay sa akin sa kabila.
"Hoo! Pasalamat ka't malakas ako't tulog ka kundi flying kick talaga ang abot mo." pagkausap ko kahit hindi naman sya gising.
Bitbit ko sya sa paglabas ng kwarto ko at pagpunta sa kabilang kwarto which is ang guest room sa bahay.
Napatingin ako sa gilid kung saan nandoon ang nakayuko nyang mukha. Sa sobrang lapit naming dalawa, mas nakita ko ang features nya.
"Grabe, ngayon lang ako nakakita ng unggoy na tinalo ng alarm clock. Ganoon ba kalakas ang pagkakabato ko at nahimatay ka?" napapailing na lang ako sa kanya saka sya ihinagis sa kama.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...