Two

37.4K 697 18
                                    

Quennie Dela Cruz

Kakanta-kanta pa ako habang nagja-jogging sa palibot ng park na malapit sa bahay. Sa isang subdivision kasi ako nakatira na nasa may bungad lang at malapit nga sa convinient store kung saan nagtatrabaho si Liza. Ang park naman ay nasa loob ng subdivision mga kwarentang hakbang mula sa bahay.

Ngayon ay naisipan kong pumasok ng tamang oras sa pagpasok kesa sa nakasanayan dahil lilinisin ko pa ang bahay. Magagalit si lola kapag nakita nyang magulo at madumi ang home sweet home namin.

Kaya binilisan ko na ang takbo papauwi, nagpahinga saka sinimulang linisin ang first floor. Matapos ay naligo na ako at sisipol-sipol pang naglakad papasok sa convenient store para bumili ng makakain ko mamaya habang gumagawa ng report.

Dahil wala si Liza ay dire-diretsyo na ako sa pagbabayad sabay pasok sa office.

"Good morning pips!" Masiglang bati ko na nakataas pa ang dalawang kamay sa ere pero walang sumagot kaya napanguso ako't ibinaba na lang ang kamay.

Mga snob talaga tong mga to, pero pag may iuutos, akala mo close kami. Joke lang! Hahaha!

"Good morning Innie Minnie, pinapatawag ka ni chief. Lagot ka~" pananakot sa akin ni Ken na may hawak na tasa ng kape kaya pabiro ko syang inambahan na sisipain kaya nagmamadali syang umiwas.

Natatawa na lang ako saka binelatan sya.

Sa lahat yata ng mga katrabaho ko dito—which is nasa fifteen kami—si Ken ang sumunod na maloko, palaging nakangiti katulad ko at wala kang matinong sagot na makukuha sa kanya dahil palagi syang nagbibiro. Kung malala ako, mas malala sya.

Pero ginagawa naman nya ang trabaho nya at wala kang masasabi sa galing nya sa pag-gawa ng articles at pagkuha ng shots na inilalagay sa magazine.

Isa syang professional photographer at writer pero hindi halata dahil mukha lang syang tambay sa kanto, mahilig pang mang-agaw ng pagkain at mahilig mantawag ng Innie Minnie.

At yeap, ako lahat ang nakaexperience ng mga yun. Kaya itinatago ko kaagad ang mga pagkain ko sa bag dahil mahilig syang kumuha na lang ng basta-basta sa pagkain ko.

Isa syang bully!

"Dela Cruz!" rinig kong tawag ni Chief kaya napapitlag ako sa kinatatayuan at dali-daling naglakad papunta sa opisina ni Chief.

Kumatok ako ng dalawang beses saka pumasok na din ng marinig ko ang pahintulot nya.

"Yow chief!" Bati ko dito na parang rapper pa at nakita kong naiiling na lang sya sa akin.

Alam na nya ang ugali ko eh, heheheh.

"Ikaw talagang bata ka, kung anu-anong kalokohan ang nalalaman mo. Kung di ka lang talaga---"

Napapakamot na lang ako sa batok na naupo sa upuan sa harapan ng lamesa nya.

"Sinabi ko bang maupo ka na?" Mataray na tanong nya kaya agad akong napatayo.

"Chief naman, kakadating ko pa lang po, umagang-umaga sesermonan nyo na ako. Masisira ang beauty ko nyan." Maktol ko na parang bata pero napairap lang sya sa akin.

"Wala kang beauty bata." Pambabara nya kaya napanguso ako.

"To naman si Chief--"

"Oh." Naputol ang sasabihin ko ng may ihagis syang isang brown envelope sa lamesa nya na nasa tapat naming dalawa.

Napatingin ako dito at saka nag-angat ulit ng tingin kay Chief. Mangiyak-ngiyak ko syang tinignan na may nagtatanong na mga mata.

"Huling sweldo ko na po ba'to Chief? Ayaw nyo na ba sa akin? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?"

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon