Special Chapter Two

22.3K 431 4
                                    

Quennie Mendez-Smith

"Gabby, are you sure about this? You know that we'll support you no matter what." Sabi ko sa anak ko habang tinutulungan syang magfill-up ng form para sa entrance examination nya.

"I'm sure mom, I'll ace my exams so I can get in the course that I want." Sabi nya at nginitian ako kaya napangiti na din ako.

Gabby already graduated highschool at eto nga't kukuha sya ng exam for college. Sinabi nyang gusto daw nyang maging doktor specifically a heart surgeon kaya iyon ang gusto nyang i-pursue at  kukuha muna ng pre-med course.

We'll support him if that's what he really want, open naman kami ni Liam sa mga gusto nilang gawin as long as makakatulong iyon sa kanila at mapapabuti sila. Saka kung iyon ang magpapasaya sa kanila, then why would we stop them from achieving what they want.

"Well then, if you're done filling up those forms, call me so I can come with you later. Checheck ko lang yung niluluto ko." Sabi ko and he nodded.

It's weekend today and no work for Liam and I. Puyat lang si Liam dahil sa pagsama kay Stella sa shooting kaya hinayaan ko na munang matulog ang mag-ama.

Napapailing na lang talaga ako sa pagkamangha dahil nagkatotoo talaga ang mga sinabi ni Gabby noon.

She's a child actress and a model under our company and I must say she's doing a good job. Umeextra na sya dati noong six to seven pa lang sya sa mga noontime soap opera, and at the age of nine years old, matatag na ang pundasyon nya sa showbiz, now she got her first ever lead role.

I know that she worked hard for it, dahil ng sinabi nya sa amin na gusto nyang mag-artista, hinayaan namin sya at kahit pa ako ang CEO at pagmamay-ari namin ang kompanyang under sya, hindi ko sya pinabigyan ng special treatment. Hinayaan ko syang pagdaanan ang mga pinagdaanan ng mga newbie artist namin na sikat na ngayon sa industriya.

Eugene on the other hand is in the gym located at the back of our house. Probably exercising. He told us he wanted to be a pilot, but he said he is still undecided na pinabayaan namin dahil highschool pa lang naman sya. He's decision may change.

Napapitlag pa ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod, agad akong kumalma knowing that it was Liam.

"What are you cooking?" Tanong nya at ng tinignan ko ay nakapikit pa rin ang mga mata nya at halatang inaantok pa.

"Bakit ka bumangon agad? You can still sleep. Wala namang pasok." Sabi ko pero umiling sya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Wala ka sa kama so I'll just stand here instead,  I need a bear hug, pinagod ako ng anak mo." Parang bata nyang pagsusumbong kaya natawa ako at hinayaan syang parang tuko na nakakapit sa akin.

"Can't blame her, that's the last shooting for her drama. Saka anak mo rin yon Mr. Smith." Natatawang sabi ko at nakita kong napangiti sya.

"I love you wife." He said as he kiss my cheek saka na sya bumitaw sa akin para magtimpla ng kape nya.

"I love you too. No coffee for me please hon, yung iyo na lang ang itimpla mo." Sabi ko habang inililipat ko ang pancakes na naluto na sa pinggan.

"You love coffee right? Bakit ayaw mo ngayon?" Takang tanong nya kaya napangiti ako.

Hawak-hawak ang pinggan na may lamang pancakes ay lumapit ako sa kanya at tumingkayad para bumulong.

"Because I'm pregnant with our fourth child. Bawal ang too much caffeine." Bulong ko at natawa ako ng mabitawan nya ang kutsarang hawak nya.

Natawa ako at iniwan sya doon para ilagay ang pinggan sa lamesa. Napatili lang ako sa gulat ng may bumuhat sa akin at pinagpupugpog ako ng halik sa mukha at sa labi.

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon