Quennie Dela Cruz-Smith
"You seems to be close now with Kailee, hon." Komento ni Liam habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay ni lolo Basty. It's already midnight at hindi ko inakala na maeenjoy ko rin pala ang party na pinuntahan namin.
I thought that it will be boring since wala naman akong kakilala doon, but it turns out differently. Nakilala ko pa ang bestfriend ni Kailee na si Aidan na anak pala ni Mr. Palaez.
They were nice talking with at naaliw ako sa kanilang magbestfriend.
"Yeap. She's nice, matagal na ba kayong magkakakilala?" Tanong ko at binalingan sya.
"Well not really, she was introduced to the board before and that's it. Naging kaibigan ko lang sya noong nito-nito na lang because of Alex." Paliwanag nya kaya tumango-tango ako.
"Kelan naman kayo naging magkaibigan nung Alex?" Tanong ko.
"When we were in college, and he's always with tito most of the times then there. We clicked as friends." Sabi nya kaya tumango-tango ako.
"Gwapo pala sa personal si Mr. King no? Hindi na ako magtataka kung bakit crush sya ni Chelly." Out of nowhere na sabi ko dahil bigla kong naalala si Chelly.
Napahawak ako sa dashboard ng kotse dahil biglang nagpreno ang sasakyan. Mabuti na lang nakaseatbelt ako kundi may bukol na ako ngayon.
"Liam naman eh! Ba't ka ba bigla-biglang pumepreno??" Tanong ko pero napanguso lang sya na parang may hindi sya nagustuhan sa sinabi ko.
"Yon? Gwapo? Psh." Nakabusangot na mukha na sabi nya.
Mabuti na lang nasa may village na kami at madaling araw kaya walang maabalang sasakyan.
"Sino?" Inis kong tanong.
"Yung haring yon! Sabi mo gwapo, hindi naman. Mukha lang syang paa ko." Bubulong-bulong na sabi nya saka pinaandar na ulit ang sasakyan na nakasimangot pa rin.
Doon ako humagalpak ng tawa ng marealize kung bakit sya nakasimangot ang mukha nya.
"Now you're laughing at me?" Poker face na tanong nya na lalo kong ikinatawa.
Napansin kong nasa mansyon na kami ni lolo Basty at sinalubong kami ng guard pagkalabas namin ng kotse.
Hindi pa nya ako pinagbuksan at dirediretsyo lang syang pumasok sa gate at ibinigay ang susi sa guard para ito na ang magpasok sa garahe. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa saka sya sinundan.
"Mukhang badtrip si sir mam ah?" Sabi ng manong Emil ng madaanan ko.
"Oo nga po manong, inaantok lang yan." Sabi ko na lang saka nagpaalam na at sumunod na papasok sa mansyon.
Pagkarating ko sa loob wala na halos tao at naka-dim na ang mga ilaw. Pero bukas ang may kitchen area kaya pumunta ako doon, there I saw him drinking water kaya nilapitan ko.
"Uy, tampo ka?" Naninimbang kong tanong, hinigit ko pa ng dalawang beses ang dulo ng manggas ng suit nya.
Hindi nya ako pinansin at nag-iwas ng tingin.
"Liam? William? Xander? Oy Smith." Pagtawag ko pero ayaw pa rin, napaisip tuloy ako. Hindi ako mahilig magpacute, like it scares me kasi hindi ako cute. Hindi rin ako magaling manlambing, kaya masusubok yata ang powers ko dito.
Niyakap ko yung isang braso nya saka pinindot-pindot ang pisngi nya na pilit nyang inilalayo.
"Uyy...Liam...hon? Sweety? Husband? Hubby? Sugarpie? Sweetypie? Pineapplepie? Bukopie? Applepie?" Pagtawag ko at napangisi ako ng makitang pinipigilan nya lang ang pagtawa. Namumula ang leeg nya eh kaya mas pinag-igi ko at sinundot-sundot na ang tagiliran nya na pilit nyang iniiwasan.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...