Quennie Dela Cruz-Smith
"Liam, gising na. Kakain na tayo." Sabi ko sabay pindot sa pisngi nya. Grabe talaga ang kagwapuhan na taglay nitong lalaking to.
Makinis, walang pimples at hindi oily. Ano kayang sikreto nya? Matanong nga minsan. Hehe. Pinadausdos ko ang dulo ng daliri ko sa ilong nya, sa kilay, sa pilikmata nya, wala lang, ina-appreciate ko lang ang face nya, saka ko pinindot ulit ang pisngi nya at nakita kong kumunot ang noo nya sa ginawa ko.
"Gising na Liam, come on. Lalamig ang pagkain." Sabi ko kahit mukhang ang kausap ko lang naman ay tulog pa rin. But living with him for months now, alam ko na kung tulog sya o nagtutulug-tulugan lang.
"Ah..hindi ka gigising? Sige,---ya!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hilahin nya ako kaya napadausdos tuloy ako sa ibabaw nya at magkatapatan na ang mukha naming dalawa.
"Good morning wife. Where's my kiss?" Sabi nya at ngumuso pa habang nakapikit kaya natawa ako at tinampal ng mahina ang labi nya saka pinilit na tumayo, mabuti't nagawa kong makaalis sa ibabaw nya.
"Saka na ang kiss kapag gumising ka na, lalamig ang pagkain, Gabby's waiting downstairs. Bilis!" Sabi ko saka sya hinigit at nagpadala naman sya.
"Yes boss!" He said na ikinailing ko na lang saka sya tinulak-tulak pa papasok sa banyo namin.
"Bumaba ka na pagkatapos mo ah?" Sigaw ko dahil nasa loob na sya ng banyo, I heard him say yes kaya nauna na akong bumaba at nagpuntang kusina.
"Gabby, nandito na ba yung mga dadalhin mo kay lolo?" I asked him sabay pakita ng bagpack nya na gagamitin nya. Nag-angat sya ng tingin mula sa pagd-drawing at tinignan ang laman ng bag.
"Yes mommy, will you come with me? Sa bahay po ba ni lolo tayo matutulog?" He asked me kaya hinaplos ko ang ulo nya at hinalikan ito.
"Yeap, basta be a good boy habang nakay-lolo ka okay? May pupuntahan lang sina mommy at daddy tonight pero pagkatapos dederetsyo kami sa bahay ni lolo." Sabi ko.
"Can I come with you and daddy?" Tanong nya pero umiling ako.
"Hindi pwede baby eh, as much as I want to bring you with us, pero hindi ka namin mababantayan ng maayos ni daddy mo. Saka only adults are allowed to go there. Next time na lang, okay lang ba yon?" Tanong ko ng may paglalambing and he nodded.
"Okay po." Sabi nya saka ngumiti na sa akin.
"Sige, tara na baby? Bababa na nyan si daddy mo, punta na tayo sa dining area." Sabi ko at tumayo naman sya mula sa pagkakasalampak sa carpeted na sahig at humawak sa nakaalok kong kamay.
Liam was invited, I mean we are invited to a formal party mamayang gabi at iiwan muna namin si Gabby kay lolo Basty since hindi naman sya pupunta at magbabonding na lang daw sila ng apo. Noong una nga ay ayaw ko dahil wala naman akong kaalam-alam sa mga formal gatherings na katulad ng pupuntahan namin, pero nakalagay sa invitation ang pangalan ko so I have no choice. After the interview, days have passed and I can say na nalinawan na rin ang mga tao about the real status between Liam and I.
Paunti-unti na ding nagli-low ang issue perro hindi maiiaalis na maging curious sa akin ang mga tao lalo. Yung facebook ko biglang dumami ang friend request, yung twitter ko na nag-eexist lang pero hindi ko naman ginagamit ay dumagsa ang followers. Even my instagram account na syang madalas kong gamitin to post pictures na madalas kong gawin kapag wala akong magawa ay ganoon din. It's like they started to stalk me just to know more about me, pero hindi ko na pinansin at hinayaan na lang.
Tutal ay wala naman silang makukuhang derp photos ko o kahit mismo mukha ko sa kahit ano mang account ko dahil hindi ako naglalagay ng pictures ko doon. Kung hindi kapaligiran, kape o kaya aklat ang nakalagay na pictures. Minsan mga katrabaho ko kaya safe ako sa area na iyon.
BINABASA MO ANG
Saved by Marriage [Completed]
ChickLitQueenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalugi na ang Magazine Team ng isang cheap na publishing company ay nananatili pa rin syang positibo sa m...