Twenty Six

26.4K 532 3
                                    

Quennie Dela Cruz-Smith

All the food are set at pagtingin ko kina Chelly, Lila at Ken ay nakitang nakaayos na ang garden ng bahay. Maagang dumating si Ken para daw tumulong sa preparation ng birthday ni Gabby, like what I've thought parang walang nangyaring confession sa amin dalawa dahil normal na ulit sya.

Gabby is with Gerald and Joe sa loob  at sinabihan kong huwag hayaan ang anak ko na makapunta sa garden dahil baka masira ang surprise. Naaaliw din naman si Gabby dahil nandoon si Sophia, Vince at Jay-jay, mga pamangkin nila Gerald, Joe, at Chelly na halos kaedaran lang ng anak ko.

"Okay na?" tanong ko and they gave me a thumbs up.

"Thank you ah? Salamat sa effort." sabi ko at tinulak lang ako ng pabiro ni Lila.

"Ano ka ba, wala yun no, para sa cute mong anak. Anyway, magbihis ka na bruha, kami na bahalang mang-aliw sa anak mo habang nag-aayos ka. Dapat maganda ang mommy." sabi nito at naiiling na sumunod na lang ako.

I went upstairs para maligo at magpalit ng damit, I wore a dress saka hinayaang nakalugay ang buhok kong hanggang balikat. I think I should get a haircut, parang trip ko ang maikli.

Napatingin ako sa relo kong suot habang pababa ng hagdan, it's already five pm and yet wala pa rin si Liam, wala man lang ba syang balak na umuwi ng maaga para sa anak nya?

"Dad! Lo, nakarating na po pala kayo. How was your trip?" tanong ko saka humalik sa pisngi nilang dalawa na nakarating na pala.

I saw them sitting in our living room at nakikipagkwentuhan sa mga katrabaho ko, si Chief din ay nandito na pala.

"Chief! Ikaw din pala." sabi ko at tinanguan lang ako nito dahil abala sya kay Sophia na kinukulit ang balbas nya.

"Kararating lang namin hija, hindi rin kami masyadong napagod dahil sanay na rin kami sa byahe. Pwera tong lolo mo, matanda na eh." biro ni dad kay lolo kaya natawa ako.

"Si Liam ba nandito na?" tanong ni lolo Basty na ikinawala ang ngiti ko.

"Wala pa po eh, simulan na lang natin ang party. I tried calling him kaso busy ang phone nya." sabi ko at nakakaunawang tumango naman ang dalawa.

Sinenyasan ko sina Chelly na mauna na sa garden at hawak ko sa kamay si Gabby, sumunod na rin si dad at akmang ganoon din si lolo Basty pero pinigilan ko ito.

"Lolo.."

"Ano yon hija?" tanong nya pero nagalangan akong magtanong kaya ngumiti ako't umiling na lang.

"Wala po, sige lo, mauna na kayo sa may garden, susunod na lang kami ni Gabby." sabi ko at tumango ito't ngumiti.

Nang makaalis si lolo ay doon ko binalingan si Gabby at naupo ako para magkasingtangkad kami.

"Happy birthday baby!" masayang bati ko dito sabay tap sa ilong nya na ikinangiti nya.

"Always remember na kahit hindi ka namin tunay na anak, mahal na mahal ka ni mommy at daddy. I'm sure you're real parents are happy for you too. They will always be there to guide you and I'm sure they love so much." sabi ko and I saw him smile saka tumango.

"Now we have a surprise for you---"

"Nandito na si daddy?" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang mga mata nyang tila nage-expect na nandito si Liam, his smile faded ng umiling ako at ngumiti ng bahagya.

"Wala pa si daddy baby eh, pero sabi nya hahabol sya. Don't be sad okay? Daddy loves you and he wants you to know that you should still enjoy you're day." sabi ko saka sinuklay ang buhok nya at nakahinga ako ng maluwag ng nakakunawang tumango sya.

Saved by Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon