KABANATA 5 – The Ricafort’s grandson
Ilang ulit na umikot sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Lolo. Ilang oras na rin siyang wala sa kwarto ko at hindi ko alam kung nandito pa ba siya sa bahay o umalis na.
Nakahiga lang ako sa kama buong magdamag. Nakatulala sa puting kisame. Natauhan ako nang may maalala. Inilibot ko ang tiningin sa kwarto ko at napansin kong ang dami na palang iba dito. Naiba na ang dating kulay pink na pintura. Ngayon ay simpleng puti nalang ang kisame at ang pader ay mayroong floral wallpaper. This was not overly girly just like before. Mas simple na at aaminin kong nagustuhan ko. Salamat sa may idea nito.
Umupo ako ng kama at tiningnan ang isang picture frame na nakapatong sa bedside table. Nandoon ang picture ko nung bata pa ako. Nasa labas ako nito. Sa may garden at nakangiti habang inaamoy ang bulalak na si Nanay Linda ang nagtanim. Ang isang frame naman ay may picture kong naka-pose sa tapat ng Eiffel Tower. Naka-spread pa ang dalawang kamay ko. Kuha ito ni Zac noong nasa Paris palang kami. Pinadala ko 'to kay Nanay Linda kasama ng mga pictures na padala ko para kayla Mommy. Ngayon ay may hinala na ako kung sino ang may ideya ng panibagon design ng kwarto ko.
Naibaba ko ang frame na hawak ko nang nang maalalang hindi lang pala ako ang umuwi galing New York. Nawala na sa isipan kong nandito rin pala sina Cody at Nerissa sa bahay. Masyado akong naging preoccupied sa mga nangyari at pati sa pag-uusap namin ni Lolo kanina. Lumabas ako ng kwarto at agad silang hinanap sa isang katulong na nakita kong naglilinis sa labas ng kwarto ko.
“Nasa baba ho sila. Kausap ng Lolo ninyo.” Sagot nito sa akin. Kung ganun ay hindi pa umuuwi si Lolo at nandito pa siya.
“Oh, Ella, gising ka na pala.” Salubong sa akin ni Nanay Linda nang makita akong pababa ng hagdan. “Ang sabi ng Lolo mo ay 'wag ka daw istorbohin kaya hindi na kita ginising. Nasa dining room na sila at kumakain. Halina at kumain ka na rin.” inaya ako ni Nanay hanggang sa makarating kami sa dining room ng bahay.
Nadatnan kong nakikipagtawanan si Cody kay Lolo at si Nerissa naman ay nakangisi habang sinusubo ang cake.
“Oh, apo.” Tumayo si Lolo at lumapit sa akin. Pinaupo niya ako sa bakanteng silya malapit sa kanya at pinaghanda ako ng katulong. “Patapos na kami. Sayang at hindi mo naabutan ang masayang usapan namin nitong mga kaibigan mo.” Sabi ni Lolo sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya.
Iba talaga siya kung makitungo sa ibang tao. Kung tratuhin niya ang mga ito ay parang hindi sila naiiba sa kanya. Kumbaga, magkapantay lang sa buhay. Hindi kagaya ng iba na iniisip pa ang estado at nangmamaliit ng mga taong mas nakabababa sa kanila.
“Ang cool ni Lolo Rio, Miss Ella.” Tumatawang sabi ni Cody. Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano bang pinag-uusapan nila at ganun nalang sila kung magtawanan? Nasagot ang tanong sa isip ko nang magsalita si Lolo.
“We were just talking about how I met your grandmother, Ella. Hindi ko alam na may interesado pa palang marinig ang kwento kong iyon.” Pati ako ay napangisi na rin. Now I know why they all looked happy. Ang epic naman kasi at nakakatawa talaga ang pagkakakilala nina Lolo at Lola.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Tiểu Thuyết ChungSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...