KABANATA 45 — Monster
Kinailangan kong kalimutan ang pag-iisip ng mga sinabi ni Carmela kay Terrence kanina dahil busy na ako sa panonood ng mga models na may soot ng gowns ko. Apat silang nakasalang ngayon kasama ang mga groom nila. Panay ang ngiti nila sa harap ng camera at minsan ay ginagawa nalang ang utos ng photographer.
“Nice shot!” sigaw ng isang lalaking photographer na si Martin. Nasa may altar sila nakapwesto. Magkatabi ang modelong bride at groom at kung hindi mo alam na mga modelo sila, iisipin mong talagang bagong kasal sila. They are really good at what they are doing. Magaling sumala ng mahuhusay na models ang FF.
Lahat ay may ginagawa upang matapos agad ng maaga. Ang ibang models ay nasa labas ng simbahan. Sa entrance at sa may garden sa labas. Tatlo ang phorographers kaya naman pwede nang magsabay-sabay. Kanina ay pinuntahan ko na 'yon ngunit nakipagpalit sa akin si DB dahil gusto naman daw niyang makita ang nasa graden. Kaya ngayon, nandito ako at nakaupo.
“What do you think, Miss Ella?” tanong ng isang assisstant ng photographer. “Pinapatanong po ni Sir Martin kung maayos na po ba ang mga kuha.” Pinakita niya sa akin sa screen ng laptop ang mga pictures na katatapos lang kunan. Ito 'yong kanina pa. In-upload na agad ito para sa mabilisang pag-e-edit.
“Uh…” napangiti ako. “May say ba ako rito?” biro ko sa kanya. Tumawa naman ang assisstant.
“Oo naman po. Kayo po ang designer. Mas alam niyo po kung saang angulo maganda ang gown na gawa ninyo.” Paglilinaw niya sa akin.
Tinanguan ko siya at nilagay ang daliri sa aking baba. Pinagmasdan ko isa isa ang mga pictures. “This one is okay. Ito naman, uhm… feeling ko medyo kulang sa emotions 'yong model na babae. But she’s good in this one.” Turo ko naman sa isa pa. Magagaling ang mga models ngunit siguro ay dahil sa pagod, nawawala ang emotions na dapat ay meron sila.
“Okay, Miss Ella. Sasabihin ko 'to kay sir.” Pagkatapos noon ay dala dala ng assisstant ang laptop at tumakbo na palapit sa photographer na si Martin. Tinanguan ako ni Martin matapos ay ngumisi. Ganun rin ang ginawa ko sa kanya.
Binalik ko ang tingin sa mga models na nagre-retouch ng make-up nang maalala ko si Terrence. Nilingon ko ang buong simbahan ngunit hindi ko siya nakita. Saan naman kaya 'yon nagpunta?
Nagdesisyon akong tumayo sa kinauupuan ko nang matapos ang photoshoot na nagaganap sa may altar. Dumiretso naman ako palabas ng simbahan para makita ang mga nasa labas. Palakad na ako pababa ng hagdan nang aksidenteng madulas ako.
“Ah!—” sigaw kong hindi natuloy at napapikit nalang ako nang may humapit sa bewang ko para mapigilan ang bagsak ko.
“Are you okay?!” tanong ni Terrence sa akin nang iharap niya ako sa kanya. Nasa dulo ako ng hagdan at mahigpit lang ang kapit niya sa bewang ko kaya hindi ako nalaglag. Tumango ako. Sinubukan kong tingnan ang sahig at ganun din siya.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Fiksi UmumSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...