KABANATA 63 — Panyo
Ginising ako ng tunog ng aking cellphone. Nagmulat ako ng mga mata at agad nasilaw sa liwanag na nagmumula sa aking bintana. Umaga at maaraw na. Bumalikwas ako ng tayo nang makita ko ang wall clock. Tanghali na!
Hindi ko alam kung anong araw na. Ang tanging alam ko ay kung anong oras na ngayon.
Kinuha ko ang aking cellphone na katatapos lang sa pag-ring. Forty-nine missed calls na lahat ay mula kay Vincent! Nanginig ang kamay ko sa kaba kung bakit siya tumatawag. May importante ba siyang sasabihin? Ano bang nangyari? Bakit siya tumatawag?
Pumikit ako at saka ko naramdaman ang sakit sa mga mata ko. Tumayo ako upang tingnan ang sarili sa salamin at nagulat ako sa aking itsura. I look wasted. Para akong hindi isang fashion designer sa aking itsura. Gusot ang aking damit, sabog ang buhok, namumula ang pisngi, at namamaga ang mga mata.
And then I remembered everything that happened these past few days. Hindi ko namalayan na dalawang araw na akong umiiyak rito sa loob ng aking kwarto. Hindi na ako lumalabas ng bahay. It’s been two days since I last saw Vincent at dalawang araw na rin ang nakakalipas nang huli ko siyang makausap.
Nabigla ako sa sarili. Napalunok ako sa isiping hindi ko pa nakakausap si Vincent kahit sa text manlang! What happened to me?
Hindi na muling nag-ring ang cellphone ko. Pero napansin ko ang napakaraming text message na halos lahat ay galing din kay Vincent. May ilang galing kay Zac, kay Nash at DB. Oh my gosh! Nash and DB? Ang FF! Nakalimutan ko na ang FF dahil sa mga problemang dinadala ko!
Nataranta ako nang mamatay ang cellphone ko. Wala na itong battery. Kinuha ko ang charger at sinaksak iyon.
Tumakbo ako sa bathroom at inayos ang sarili ko. Inalala ko ang lahat. Mula nang gabing isiwalat ni Vincent ang sikreto ng pamilya niya.
His father has an illegitimate child. The son of Cassandra Montego and Vergel Formosa. Si Carrive. Hindi iyon tanggap ni Auntie Kristin at nang malaman niyang ako ay kasali sa mga unang nakaalam, nagalit siya sa akin. Sinampal niya ako at ikinagalit iyon nila Mommy.
And then Terrence. Inuwi ako ni Terrence dahil sa pakiusap ni Vincent. Inasikaso ni Vincent ang kapatid kaya naman ipinaubaya niya muna ako kay Terrence. Naalala ko ang nangyari sa bahay ng mga Ricafort. Ang kamuntikan nang halikan niya ako na pinagsisisihan ko.
At ang pag-uwi ko rito sa bahay. Nang malaman kong hindi na payag ang mga magulang ko sa relasyon namin ni Vincent. Agad na kumirot ang aking puso. Napahawak ako rito at mariin akong pumikit. Uminit ang mga mata ko.
Yes. This is the reason why I am like this today. Si Mommy. Ang ilang araw kong pakikipag-usap sa kanya at ang ilang araw rin na pagre-reject niya sa akin. Dalawang araw. Dalawang araw na akong nakikiusap sa kanya na bawiin ang kanyang mga sinabi. Nagmakaawa na ako sa kanya. Umiyak na ako sa harap niya. Kulang na lang ay lumuhod ako para lang mahabag na siya. Ngunit sadyang matigas si Mommy at tuluyan ko nang inisip na wala nga siyang pagmamahal para sa akin.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Художественная прозаSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...