Kabanata 9

7.5K 121 4
                                    

KABANATA 9 — Natasha Rementizo

“You don’t know him?” bulong sa akin ni Yannie habang titig pa rin sa lalaki sa harap namin. Sa wakas ay naalis ko rin ang titig sa lalaki. Kanina, parang may glue sa nagdikit sa mga mata namin. Buti nalang ay nagsalita na si Yannie at nabaling ang atensyon ko sa kanya.

Hindi ko na maibalik ang tingin sa lalaki dahil naiilang na ako. I think I am being melted by the way he stares at me. Ganyang ganyan ako tingnan ni Vincent noon. Ngayon na-realize ko na kung sino ang kahawig ng lalaking ito.

Kagayang kagaya ng mga mata niya ang kay Vincent. Kung maputi nga lang siya eh iisipin ko na na related siya dito. Kumpara kasi kay Vincent, mas moreno siya.

“No.” nakatingin lang ako kay Yannie. Nanlalaki ang mata niya nang ibalik ang tingin sa akin.

“Oh my! Hindi mo siya kilala? Ano bang mga pinagkakaabalahan mo nung college tayo? Ka-batch natin 'yan, Ella!” halos isigaw na iyon ni Yannie. Pero pigil lang siya dahil hindi pa rin kami nilulubayan ng mga tingin ng lalaki. Parang sinasabi niyang ang tanga tanga ko at hindi ko siya kilala. “At duh! May ari ng Formosa!”

Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar siya. Siguro ay nakikita ko siya noon nung college pa ako. Pero bakit hindi ko manlang napansin ang kakisigan niya? Madali akong ma-capture sa mga gwapong lalaki. Not in a way na ma-iinlove agad ako sa kanila pero hahangaan ko sila. At hindi ko na makakalimutan ang itsura nila. Maraming head turner noon samin at lahat sila natatandaan ko pa ang itsura. But him, I can’t remember. Nakikita ko na ba siya noon?

“Ang busy mo ba nun?” tanong ni Yannie sa akin.

Naalala ko nung college. Yeah. Maybe I was so busy with things that shouldn’t matter in the first place. Kaya nga siguro hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga nakasanayan ko na noong bago pa siya pumasok sa buhay ko.

Oh, Vincent. Hindi ko na alam kung naging mabuti ba na nakilala kita o pagsisisihan ko nalang ang lahat.

“I think so. I—” nahinto ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses ng lalaki.

“Sorry sa inasta ko, Sandy. Stress lang dahil naiwan nanaman sa’kin lahat ng trabaho. Go back to your work. Or maybe you should have a day off.” Sabay na tumaas ang kilay namin ni Yannie sa narinig.

I was looking again at him. His words caught my attention. Buti nalang at hindi na siya nakatingin sa amin kaya hindi na ako maiilang sa nakakatunaw niyang mga titig.

“S-sir?” hindi lang nakataas na kilay ang meron ang babae kundi nanlalaki na rin ang mga mata nitong mangiyakngiyak na dahil napagalitan siya kanina.

“You heard me. Now go before I change my mind.” The guy said with authority. Umirap nalang ako nang mapagtantong masama pa rin ang ugali niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon