KABANATA 29 — Fountain of Fate
Nakatapos na kaming kumain at nasa kwarto na ako ngayon. Pinagmasdan ko ang kwartong binigay sa akin ni Vincent. Akala mo ay kwarto ko talaga ito dahil makikita rito ang personality ko. Mula sa floral designs ng wallpaper na hilig ko at isa pa, may malaki akong mukha sa wall kung nasaan ang kama ko. Natuwa ako nang naisip na baka pinagawa talaga itong kwarto para sa akin.
Sumampa ako ng kama at nilapitan ang sketch ng mukha ko. I don’t know where Vincent got this. Wala akong maalalang litrato na ibinigay ko sa kanya na may ganitong itsura. Actually, wala naman talaga akong picture na nasa kanya. At least, that’s what I know.
Ang mukha ko rito ay nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan. Hanggang dibdib lang ang drawing at napansin ko ang kwelyo ng damit na suot ko rito. Ito ang uniform ko noon sa Formosa.
Anong picture kaya ito?
'Yan pa rin ang nasa isip ko hanggang sa pumasok ako ng bathroom para mag-shower. May bathroom sa loob ng kwarto ko. Kumpleto na sa loob. May towel na, shampoo at body shower. Mabuti nalang at hindi na ako mag-aabalang magtanong pa kay Vincent.
Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Baka nasa kwarto na rin siya at nagpapahinga na. Gabi na rin at sobrang napagod ata siya kanina. Sobrang daming nangyari ngayong araw na ito at sa tingin ko ay pagod na rin siya.
Kanina, hinatid nalang niya ako rito at nagpaalam agad. Ang sabi niya ay ang katabing kwarto lang ang kanya. Kaya kung iisipin, isang pader lang ang namamagitan sa aming dalawa. Napangiti ako sa naisip.
Naalala ko ang pagiging over protective ni Vincent sa akin kanina. Yes, he’s over reacting but it’s sweet. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng may taong nagpoprotekta sa akin over petty things. Dad and Zac do that but Vincent is different. Simpleng bike lang ang kamutikan nang makabangga sa akin kanina pero galit na galit pa rin siya na akala mo ay truck ang makakabangga dapat sa akin. Sobrang natakot na agad siya. And like I said, I can’t blame him. Masama ata ang nadulot ng paglayo ko sa kanya ng limang taon. He had trauma.
Kinuha ko ang towel at lumabas ng bathroom. Sinigurado ko muna na naka-lock ang pinto ng kwarto ko bago inabot ang plastik at paper bag sa kama ko.
Napangiwi ako nang makita ang daster. Serioulsy, I don’t understand him! Bakit ba niya ako gustong magsuot nito kung okay lang naman ang t-shirt nalang o kaya ay maong pants. Uso rin ang pajama! Pero bakit ba daster? Mukha ba akong nanay sa kanya?
Pero wala akong choice kundi suotin 'to. Puno na ng pawis ko ang damit ko kanina at ayoko naman ulitin iyon. Kailangan kong magtiis dahil kundi, wala akong susuotin. Pinili ko ang red na daster at saka kinuha naman ang paper bag para sa underwear ko.
Napangisi ako nang maalala ang laman nito. Hindi ko pa man binubuksan ay natatawa na ako. Seriously, again? Pambata?
Hindi na ako sinagot ni Vincent nung itanong ko kung bakit pambata ang binili niya. Basta ang sabi lang niya, suotin ko nalang dahil nabili na niya.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Fiksi UmumSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...