KABANATA 30 — Property
Pagkagising ko kinaumagahan ay hindi pa rin ako makapaniwala. Yakap ko ang unan habang binabalikan ang mga nangyari kagabi sa amin ni Vincent. Napapangiti ako sa tuwing maaalala ang mga salita niya at ang pag-sabi niya sa akin na mahal niya ako. Kung paano siya sumaya nang sagutin ko siya na mahal ko rin siya. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon pero nang hawakan ko ang aking mga labi, nakumpirma kong hindi dahil hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang mga halik niya.
Tumayo ako at nag-ayos na. Hindi ko alam ang plano ni Vincent para sa araw na ito. Wala naman siyang sinabi kagabi kung uuwi na ba kami ng Maynila. Ang tanging alam ko lang ay simula sa araw na ito, opisyal na kaming dalawa.
Hindi ko nanaman mapigilan ang ngiti sa labi ko. Yes, we already talked about us. We’re official and we’re both happy about it. Kulang na nga lang ay magpa-party siya kagabi sa sobrang saya niya. Kung umasta kaming dalawa, para kaming mga teen agers na nagkasagutan na. Mas lalo siya.
Nang matapos akong maligo ay natatawa nanaman akong kinuha ang isang yellow daster at pares ng underwear. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang mga araw na ito kung saan nagsusuot ako ng daster at ng mga pambatang underwear. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung anong kalokohang sumanib kay Vincent at ganito ang binili niya para sa akin. But whatever it is, I found it really cute.
Ilang saglit lang nang makapaghanda ako ay may kumatok sa pintuan.
“Mika? Gising ka na?” nilingon ko ang pinto nang marinig ang boses ni Vincent sa labas.
“Yes, Vincent. Just a second.” Sabi ko ko at sinuot ko na ang tsinelas na bigay niya kagabi at tumakbo na sa pintuan.
Nakababa na kami ngunit tahimik pa rin si Vincent. Hindi na siya nagsalita kanina nang sunduin niya ako sa kwarto. Humalik lang siya sa pisngi ko matapos ay hawak kamay na kaming bumaba ng engrandeng hagdanan ng villa.
“Vincent, is there a problem?” tanong ko nang hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatitig siya sa akin pero wala siyang sinasabi.
Umiling siya at lumungkot ang mga mata niya. “I thought we could spend the whole day together.” Ngumuso siya at humilig sa akin. “I really want to. Pero hindi pwede.” Malungkot na sabi niya.
“Why?” Kinabahan ako sa pagsasalita niya kaya napatanong agad ako.
“We need to go home. Actullay, ako lang. Kailangan ako ni Papa, e. He just called me this morning at kailangan raw ako sa Maynila dahil sa mahalagang meeting with some investors.” Bumuntong hininga siya. “Nakakainis!” kinamot niya ang ulo at sumandal sa silya. “Ang tagal tagal na nito hindi pa rin nase-settle. Tas kailangan pa ko? As if he can’t do it by himself.” Naiinis na sabi niya.
Napangisi ako at umiling.
Kinunutan niya ako ng noo.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Fiksi UmumSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...