KABANATA 36 — Nanlilisik at Madilim
Tulala ako at kanina pa ako spaced out kahit na ang daldal ni Mommy rito sa tabi ko. Nawawala ako sa pinag-uusapan namin kanina pa. Kung hindi pa nga siya humalakhak ng malakas ay hindi pa ako magigising sa paglalakbay ko sa kawalan.
“You see, Ella? Your dress is finished. Ang galing talaga nitong si Dani.” Sabi niya sa akin.
Ngayon ko lang napansin si Dani, ang baklang designer na kausap ni Mommy, habang hawak ang peach color cocktail dress na gagamitin ko sa party.
“Thank you, mother.” Ngisi ni Dani sa aming dalawa. Nilagay pa niya ang isang palad sa pisngi na palang tuwang tuwa siya sa sarili niya.
“Nag-iisa lang ang design na ito at si Ms. Mikaella lang ang magsusuot nito.” Maarteng sabi ng baklang si Dani.
“That’s great!” tumayo si Mommy at pinagmasdan ang cocktail dress na para sa akin.
Ngumiti ako at nagandahan doon. Ngunit nang parang sirang plakang bumalik nanaman sa isip ko ang nangyari kanina sa parking ay nawala nanaman sa kanila ang atensyon ko.
Mabuti nalang at sila lang ang nag-uusap ni Mommy kanina pa. Mukhang wala naman akong bibig dito dahil hindi naman nila masyadong hinihingi ang opinyon ko. Kaya nga hindi ko na rin magawang makalimutan ang halikan sa pagitan namin ni Vincent kanina sa parking lot ng FF building. Wala kasi akong ibang magawa kundi balikan iyon.
Awtomatikong napahawak ang kamay ko sa labi at hinaplos iyon ng daliri ko. Umiling ako sa sarili. Ngayon lang nangyari sa akin na masyado akong nadala sa halikan naming dalawa. Kakaiba kasi ang kanina at hindi kagaya ng mga nauna pa. Agresibo ako masyado at nahihiya ako 'di lang kay Vincent pati na rin sa sarili ko. Ano bang pumasok sa isipan ko at hinayaan kong mapunta kami sa ganoong lebel at sa parking lot pa! Kung saan may mga cctv at maaaring may makakita sa amin!
Para akong baliw sa tuwing aalahanin ang pagdausdos ng labi ni Vincent papuntang pisngi, tenga, at leeg ko. I’m not that innocent to know where we were going that time. Sa mga kamay palang niya, sa mga hawak palang at paraan ng paghalik niya, there was something more.
Kinabahan ako sa naisip. Kung hindi ako namuglat sa pagkabaliw ko kanina sa kanya, ano na kayang nangyari?
“So, Ella, narinig mo ang sinabi ni Dani. I’ll be incharge with your hair stylist and make-up artist, too.” Tumango ako kahit na wala naman akong naintindihan sa mga pinagsasabi nilang dalawa.
Nakangiti ang bakla sa akin at si Mommy naman ay nakataas ang isang kilay. Ngitian ko siya at nagkunyaring nakikinig at naiintindihan ko siya.
Wala na naman akong dapat ikabalaha rito dahil gaya ng parati kong sinasabi, si Mommy na ang bahala sa lahat. Makinig man ako o hindi, siya pa rin ang masusunod.
Hindi na ako tumanggi sa gustong mangyari ng pamilya ko lalo na ni Mommy. Nang malaman ko ang balak ni Daddy, pinaubaya ko na ang lahat sa kanya. I will now give my trust to my father. He deserves that. Sumaya ako nang sabihin niya ang tungkol kay Vincent. Na ito pala ang tinutukoy niyang gusto niya para sa akin. At laking pasasalamat ko na gusto niya para sa akin ang lalaking mahal ko.
Gaya ng napag-usapan, ipapakilala ako sa lahat ng sinasakupan ng Buenzalido-Santos Group of Companies. Mula sa pinakamababang tao o empleyado hanggang sa pinakamamataas ang pwesto ay ipapakilala na ako. Ayaw ko man pero ito na talaga ang tadhana ko. Hindi ko nalang hinahayaan ang sarili kong mag-alala pa lalo na’t nandoon din naman si Vincent sa party. At alam kong siya ang tutulong sa akin.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Fiksi UmumSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...