KABANATA 38 — Possessive
“Now, let us all welcome, the chairman of Buenzalido-Santos Group of Companies, Don Gregorio Buenzalido with his son-in-law, the vice-chairman, Mr. Dominik Santos.” Nagpalakpakan ang lahat ng tao. Ngunit ako ay hindi manlang mataas ang kamay dahil sa dalawang lalaki sa tabi ko.
Nasa magkabilang tabi ko si Vincent at Terrence. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Terrence sa akin kanina. At hanggang ngayon din, hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos nitong si Vincent.
Kanina pa nag-start ang program at kanina pa rin ako tahimik dito. Hindi na ako kinakausap ni Terrence. Ang mommy ko ay masyadong malayo sa akin para makakwentuhan ko. Si Auntie Kristin lang ang madalas na kausap niya dahil magkatabi lang sila. Si Daddy at Lolo ay kanina pa wala rito dahil magsasalita na sila sa harap.
Sinubukan kong sulyapan si Vincent. Nakayuko siya at parang walang gana. Ni tikhim ay wala akong naririnig sa kanya. He’s been quiet since he got here. Kanina, sabay silang nagpunta ni Daddy rito sa table namin at si Dad mismo ang nagpatabi kay Vincent sa akin. Ni hindi nga niya ako tiningnan kanina nang inutos iyon ni Dad. He just followed him.
Nag-aalala na tuloy ako. Paano kung galit nga siya? Nakita ba niya ang pag-uusap namin ni Terrence? Di kaya masyado kaming malapit sa isa’t isa ni Terrence kanina at nagselos siya? Dahil ba 'to sa sabay naming pagpasok kanina? O dahil pa rin ito sa halik ni Terrence sa akin? Sana matanong ko na siya dahil nababaliw na ako rito kakaisip kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap!
Inangat ko ang ulo nang marinig ang palakpakan ng mga tao. Tapos na palang magsalita si Lolo at si Daddy naman ngayon ang maririnig ng lahat. Nilingon ko si Dad habang nakangiti siya sa lahat at bahagyang kumakaway. Kinagat ko ang labi at tinawag ang atensyon ni Mommy.
“Mom.” Mahina ang boses ko pero napatingin sa akin ang nanay ko. Lumunok ako nang itaas niya ang dalawang kilay.
Pansin ko ang parehas na pagbaling sa akin ni Terrence at Vincent. Humilig ako sa direksyon ni Mommy.
“Can I go out for just a minute? Restroom?” tanong ko.
Tumango si Mommy. “Just hurry up. Ipapakilala ka na ng daddy mo.” Utos niya at matamlay akong tumango.
Nakatayo na ako nang biglang magsalita si Auntie Kristin. “Terrence, you’re the escort. Samahan mo si Ella.” Gulat ako at napatingin agad sa magiging reaksyon ni Vincent. Nakatagilid siya sa akin kaya pansin ko ang pagtaas-baba ng adam’s apple niya. Hindi niya ako nilingon.
Walang nagawa si Terrence kundi sundin ang utos ng matatalim na mga mata ni Auntie Kristin. Tiningnan ko ulit si Vincent pero wala siyang ginawa. Bumuntong hininga ako nang makatalikod na kami ni Terrence sa kanila.
“Disappointed?” alam ko na agad ang tinutukoy ni Terrence.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
General FictionSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...