KABANATA 53 — Welcome
Marami ang bumati sa akin kanina nang matapos ang fashion show sa mga bridal gows at formal gowns. Pagkababa ko ng stage kanina ay walang humpay ang pagpuri sa akin ng mga nanood. Nakakataas ng tingin sa sarili dahil lahat ng mga bumati sa akin ay matataas na ang kinalalagyan sa industriyang ito. Mga big boss ng ilang kompanya ang nakipagkilala sa akin at ang iba ay in-offer-an pa ako na pumasok sa kanila bilang main stay na designer ng kompanya nila.
Hindi ako makapayag ngunit hindi rin makatanggi. Hindi pa ako permanente sa FF pero kung bibigyan ako ng pagkakataon, ito ang pipiliin ko sa iba. Marami na akong natutunan sa FF at halos lahat ng tao rito ay napamahal na sa akin. Lalo na si Nash at DB. Mababait sila at kung kukunin nila ako bilang permanenteng designer ay malugod kong tatanggapin.
Nakakalungkot lang dahil wala ni isa sa pamilya ko. Dad is in Thailand for business at si Mommy ay busy sa kompanya. Hindi na ako nagpumilit sa kanila na pumunta dahil alam kong importante ang negosyo. Si lolo naman ay hindi ko na sinabihan dahil alam kong pupunta iyon kahit anong mangyari. Hindi ko na iyon hinayaan dahil mas gusto kong magpabuti nalang siya ng kalagayan niya. May darating pa naman na ibang oportunidad sa akin at alam kong nandoon na sila pagdating noon. Masaya na lang ako ngayon dahil hindi na sila humahadlang at kahit wala sila, alam kong masaya sila para sa akin.
Pagkapasok ko ng kwartong pinagbihisan ko kanina ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Dito namamalagi ang iba pang designers na gaya ko. Ang mga models ay sa katabing kwarto at sila Nash at DB naman ay magkasama sa isa pa.
Mabilis akong naglinis ng katawan kanina gamit ang bathroom ng venue. Ngayon ay nagsusuklay na lang ako ng buhok at naghahanda sa pag-uwi.
Kasalukuyan kong iniipit pataas ang buhok ko nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon kahit hindi ko pa pinapapasok at bumungad ang repleksyon ng mukha ni Vincent sa salamin. Umiwas ako ng tingin sa bagong ligo niyang itsura.
“Mika, let’s talk?” tanong niya at nanatili lang sa pwesto. Nakapamulsa siya at nang tingnan ko ang mukha niya ay puno ito ng pag-aalala.
Matapos ang pagrampa namin sa stage ay ngayon lang ulit kami magkakausap.
Isa pang hagod ng suklay sa buhok ko at humarap na ako sa kanya. Ngumiti ako. “About what?” tanong ko.
Lumapit ako sa bag ko at nagkunyaring aayusin iyon. Binabasa ko ang labi ko habang iniisip kung anong gustong pag-usapan ni Vincent. Hindi kaya tungkol ito sa mga nasabi ko kanina? Kung gayun, babaguhin ko na agad ang usapan.
Hindi pa siya sumagot kaya naunahan ko siya.
“Thank God.” Buntong hinga ko. “Akala ko masisira na 'yong show nang dahil sa akin. Mabuti na lang nagawan ng paraan. Have you seen your mom? You should congratulate her. Ang ganda ng mga gawa ni Auntie Kristin.” Sunod sunod na sabi ko. Babaguhin ko ang usapan sa abot ng makakaya ko dahil sobra akong napahiya kanina sa inasta ko.
“Nope. Ikaw na muna ang pinuntahan ko. Sa bahay ko na lang siya babatiin mamaya.” Seryoso niyang sinabi. Naglakad siya patungo sa akin.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Fiction généraleSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...