Kabanata 37

4.9K 96 8
                                    

KABANATA 37 — Babala

Dumudugo na ata ang loob ng pisngi ko kakakagat ko rito. Kanina ay labi ko ang pinagdidiskitahan ko pero dahil titig na titig silang lahat sa akin ay hindi ko na magawa dahil baka mahalata nila ako.

Kanina ko pa gustong hatakin palayo si Terrence at tanungin siya kung bakit niya iyon ginawa. I don’t even know the meaning of his kiss! Yes, it’s just on the cheek but it’s still a kiss! At isa pa, hindi pa kami ganun ka-close ni Terrence. Kahit na itinuring ko na siyang kaibigan, hindi pa rin niya iyon dapat ginawa!

Lalo na at si Vincent ang nandito sa tabi ko. Mas gusto kong kaming dalawa nalang ang umalis dito. Ramdam na ramdam ko ang mabibigat niyang tingin sa aming dalawa ni Terrence. Ayokong may maisip siyang iba sa aming dalawa. Nag-alala na ako nun nang unang beses kaming magkaharap harap. At mas lalo na ngayon. Ibang klase ang nangyari ngayon! Nakakatakot na baka dahil dito, may magawa at masabi siyang tungkol sa amin!

“Terrence, what’s the meaning of this? You already know Ella?” nakakatakot ang mga tingin ni Auntie Kristin. Ang tatay naman nila na si Mr. Vergel ay nakamasid lang sa amin at nakataas ang gilid ng labi. Si Daddy ay nagtataka pa rin at mukhang galit. At si Lolo naman ay panay ang ngisi! Ano ba itong nangyayari ngayon?! Mabuti at wala si Mommy rito! Mas malala kung nandito siya!

“Of course, Ma. Noon ko pa kilala si Ella. Eversince college.” Tumingin si Terrence sa akin nang may nakakalokong mata.  Matapos ay sinulyapan niya ang kapatid bago ibalik ang tingin sa ina. “But she just met me a few weeks ago.” Nginisihan ako ni Terrence at wala akong nagawa kundi pilit na ngumiti na rin. Hindi ako pwedeng magpahalata na naaasiwa ako sa pinaggagagawa niya.

“Totoo ba iyon, Ella? Hindi ko naman alam na close na pala kayo nitong anak ko. You didn’t mention that to me.” nagbago ang ekspresyon ni Auntie Kristin. Nalilito ako sa mga pinapakita niya. Mula sa nakakatakot na titig ay ngumisi siya sa amin.

“H-hindi pa naman po talaga kami close. I... I just met him.” Hindi ko malaman ang isasagot ko. Tiningnan ko si Terrence. Inisip ko kung close na nga ba kami.

Sa gilid ng mga mata ko ay napapansin ko ang madiin pagkuyom ni Vincent ng mga kamay niya. Nakita ko pa ang pagtago niya nun sa likod niya. He’s restraining himself! This should end. Magpaalam kaya ako na pupuntahan si Mommy? Pero naunahan nanaman ako ni Terrence sa pagsasalita.

“That’s true, Ma. But we’re friends, right, Ella?” dinungaw ako ni Terrence. Mas lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.

Nag-aalangan akong tumango. Nakita ko ang marahang palakpak ni Auntie Kristin at ang pag-iling ni Lolo habang nakangiti.

Si Daddy na nasa tabi ko ay mukhang walang pakialam. Umalis siya sa kinatatayuan at nilapitan si Vincent. Tinapik ni Dad ang balikat ni Vincent kaya naman bumaling ito sa kanya. Nakita ko ang kamay niyang steady na ngayon.

“Vincent, can we talk?” nagulat ako sa sinabi ni Daddy. Ano ang pag-uusapan nila?

“Y-yes, Mr. Santos.” Sabi ni Vincent. Bahagya siyang tumingin sa akin at ako ay nag-aalala lang na nakatingin sa kanya.

Please, don’t think of anything. Wala lang naman ang nangyari kanina. Hindi ko maiwasang mag-alala sa blangko niyang ekspresyon. Sa tingin ko ay galit siya sa akin.

“Tito. Call me Tito, Vincent.” Kinabahan ako sa ngisi ni Dad. Kung hindi ako nagkakamali, nakatingin siya kay Terrence habang sinasabi iyon kay Vincent. Ano ang ibig niyang sabihin doon? At si Terrence, he’s just smiling the whole time!

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon