KABANATA 34 — A Crazy Little Thing Called Love
Pinaglalaruan ko ang daliri ko habang pinagmamasdan at iniintay na mawala ang atensyon sa akin ni Lolo. Kasama namin ngayon sa hapag sila Mommy at Daddy. Sa unang pagkakataon, matapos kong makabalik sa pamilya ko, ngayon lang ulit kami nagkasabay sabay kumain.
Kumakain na kaming lahat. Tahimik sina lolo at ganun din ako. Kanina pa ako hindi mapakali at gusto ko nang tingnan o kahit sulyapan manlang ang cellphone ko na nasa bulsa. Napapatingin pa ako sa labas ng garden at nag-aalala dahil madilim na. Ilang minuto na rin nang sabihin ko kay Vincent na pupuntahan ko siya sa labas. Malamang, iniintay ako nun.
Si Dad ang nagpasubali kay Lolo. Si Lolo ngayon ang nakapwesto sa dulo ng lamesa. Pagbibigay galang na rin ni Daddy sa kanya.
“Papa, bakit ho pala kayo naparito?” tanong ni Dad. Sinubukan kong kunin ang pagkakataon para kunin sa bulsa ang cellphone. Hindi ako nagpahalata.
Bumaling si Lolo kay Daddy at Mommy na magkatabi. Ako ay nasa isa pang tabi ng lamesa. Kalapit ko si Lolo at kaharap ko sila Mommy.
Nag-uusap sila habang ako ay busy sa pagkapa sa cellphone. Tini-text ko si Vincent. Hindi ko nalang muna pinansin ang mga text at tawag niya sa akin.
Ako:
I can’t go there. Kausap ko sila Lolo. Okay lang?
Sinend ko agad nang magawa ko ang message. Bumaling ako kayla lolo at sa mga magulang kong magkausap.
“Pinapunta ako ni Aby.” Nagkatinginan si Lolo at si Mommy na anak niya. “Dominik, kilala mo si Vergel, hindi ba?” tanong ni Lolo. Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang hindi pamilyar na pangalan.
Tumango si Dad kasabay ng pagsubo ng kinakain. “Yes, Papa.” Tiningnan ako ni Daddy matapos niyang sumagot.
“Vergel? Bakit, Papa?” tanong naman ni Mommy.
Tahimik akong nakinig sa usapan nila habang pinapakiramdaman kung may reply na kaya si Vincent.
“So, I suppose, invited sila?” tanong ulit ni Lolo.
“Of course. Mabuting kaibigan ko si Vergel at ang asawa niya kaya imbitado sila.”
Kinagat ko ang labi. Akala ko ba ay may sasabihin sa akin si Lolo? Bakit puro si Dad lang ang kausap niya? Nagkibit balikat ako at sinimulan na ang pagkain. Ngunit napatigil ako nang mag-vibrate ang phone ko. Dahan dahan ko iyon tiningnan sa ilalim ng mesa. Hindi ako pansin nila Lolo kaya ayos lang.
Vincent:
:( Okay. Talaga bang hindi na?
Sumulyap ako kayla lolo at nag-uusap pa rin sila.
Ako:
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Ficción GeneralSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...