KABANATA 66 — Trust
Kitang kita ko ang gulat at galak sa mga mata ni Vincent nang basahin ko ulit sa kanya ang laman ng sulat. Ilang beses ko na itong paulit ulit na binabasa sa kanya at parehas kaming hindi pa rin makapaniwala. Oo, hindi naging madali ang pinagdaanan namin kay Mommy kaya naman nagulat kami na nang dahil lang sa isang sulat, maaari na kaming magpakasal.
Sumubsob ako sa dibdib ni Vincent dahil sa mahigpit niyang yakap sa akin. Kinalong pa niya ako upang ipaikot ikot dito sa labas ng aming double doors. Nakangisi si Daddy at Lolo na nagsabi na ng kanilang mga bati sa amin.
“God, Mikaella! I’d marry you right now!” untag ni Vincent at bawat salita niya at punung puno ng kasiyahan.
Tumikhim si Daddy sa aming gilid at tumawa naman si Lolo. Parehas silang namamangha sa sinabi ni Vincent.
Saglit pa akong tinitigan ni Vincent bago niya ako tuluyang binaba at mabilis na hinalikan sa aking labi. Lumingon siya kayla Dad.
“You can’t marry my daughter right now, Vincent. I mean, I want a big wedding for Mikaella.” Pangunguna ni Dad sa kanya na ikinatawa ko. Si Lolo naman ay umiling.
“Dad, sobrang excitement lang po namin kaya ganyan na lang si Vincent. He didn’t mean that.” Sabi ko habang nakangising sinusulyapan ang future husband ko, officially.
“No, Mika. I’m serious.” Napanganga ako nang irapan niya ako at bumaling kay Dad saka ngumiti. “But you’re right, Tito. My Mikaella deserves a big wedding.” Kinagat ko ang aking labi at hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha ko.
“Alright! Congratulations again, apo!” Pumalakpak si Lolo. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan pa niya ang tuktok ng ulo ko. “I certainly know that Aby will do the right thing.” Aniya. Pumikit ako sa yakap niya at sa isiping pumayag na si Mommy. I really need to thank her. Sana makausap ko siya.
Nasa loob ako ng aking kwarto. Tapos na kaming maghapunan at dito matutulog sa amin si Vincent. Nauna na ako rito dahil mukhang mag-uusap pa ang tatlong lalaki at ayaw nila akong kasama. Ngumuso ako.
Ang sabi ni Nanay Linda, dito sa kama ko iniwan ni Mommy ang sulat para sa akin. Hinimas ko ang kama at inisip kung paano ang itsura ni Mommy habang ginagawa niya ang sulat. Napangiti ako at naluha rin.
She agreed to our marriage. She gave me her blessing. But she’s in Spain. Uuwi ba siya sa araw ng kasal ko? Bakit kailangan pa niyang umalis gayung pumayag na siya? Wala nang ibang nakalagay sa sulat kundi ang paghingi niya ng tawad, pagpayag niya sa mangyayaring kasalan at pagsabi niya na mahal niya ako. She didn’t mention if she’ll be home for my wedding. Hindi niya sinabi kung bakit siya umalis. Hindi niya rin sinabi kung galit ba siya sa ginawa ko noon na paglalayas. Basta pumayag siya. Naguguluhan pa ako at hindi ako nalinawan dito. Alam kong mahalaga nang malaman na pumayag siya but I’m still worried. Umalis siya dahil nag-away sila ni Daddy. And I don’t know the exact reason why they fought with each other.
BINABASA MO ANG
Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)
Ficción GeneralSa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa, may isa pang bagay siyang hindi kailanman mapagtatampupay...