Kabanata 31

5.7K 105 5
                                    

KABANATA 31 — Tagal

Pinipilit kong iwasan sa usapan namin ni Zac ang tungkol kay Vincent. Nakokonsesya kasi ako para sa best friend ko. Hindi naman lingid sa kaalam ko ang pagkakaroon niya ng gusto sa akin. Madalas siyang magpahiwatig mula pa noon. Ngunit hindi naman ako nagkulang ng pagpapaalala at pagpapahiwatig rinsa kanya na hanggang magkaibigan lang kaming dalawa. I just hope he understood everything. Gayun pa man ay nagi-guilty pa rin ako. Pakiramdam ko, nagkulang ako.

Sinabi kong gusto ko munang pansamantalang itago ang relasyon namin ni Vincent. Ngunit ngayon, may isa nang nakakaalam. Ang best friend ko pa na matagal nang nagsabi sa akin na may gusto siya sa akin.

Tiningnan ko si Zac. Nakatingin siya sa malaking family portrait namin dito sa sala ng bahay namin. Nakangiti siya habang nakatayo at nakatitig doon.

“Zac, coffee?” tanong ko sa kanya sabay lahad ng tray na hawak ko. May laman itong isang tasa ng kape na para kay Zac at baso ng juice na para sa akin.

Nakapamulsa siyang tumango sa akin at lumapit. Umupo kaming dalawa sa sofa.

“Gusto mo sa garden? Medyo mainit dito sa loob e. Doon mahangin.” Aya ko sa kanya. Napansin ko na kasi ang pamumula ng mukha niya. Ganyan siya kapag nae-expose sa initan. Hindi naman kasi siya sanay sa init ng Maynila.

“I’m okay. Dito nalang tayo.” Tiningnan niya ulit ang portrait namin nila Mommy at Daddy.

“You’re too young in that picture. Mas maganda ka pala nung bata?” nakakaloko niya akong binalingan.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang portrait na nakasabit ay kinuha noong kinse anyos palang ako kaya naman talagang malaki na ang pinagbago ng mukha ko. Kahit sila Mommy at Daddy ay ibang iba ang itsura sa portrait sa ngayon.

“When did you arrive?” sa halip na pansinin ang sinabi niya ay nagtanong nalang ako.

“Last night. I called you but no one’s answering. So I decided to just visit you here.” Naalala ko kung nasaan ako at ang mga nangyari kagabi.

Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng pisngi ko. Mabuti nalang at hindi nakatingin si Zac kundi ay magtatanong pa siya kung bakit ganito ako.

Kinagat ko ang labi at inisip kung sasabihin ko ba sa kanya kung nasaan ako kagabi.

“Naiwan ko kasi 'yong phone ko.” sabi ko nalang.

Mapanuri niya akong tiningnan. “You’re with him?” dumila para basain ang nanunuyot kong labi. Hindi na ata maiiwasang pag-usapan si Vincent gayung may alam na siya.

“Yeah.” Simpleng sagot ko. “K-kagabi… kami nagkabalikan.” Narinig ko agad ang buntong hinga niya.

“Oh yeah? How?” tiningnan ko siya.

Nakikiusap ang mga mata ko at sinasabing 'wag muna dahil hindi pa ako handang ikwento sa kanya. Yes, he is my best friend. It would be easy to tell the whole story because he is my best friend. But he is Zac. Hindi pwede. Ngayon pa’t alam ko ang nararamdaman niya.

Umiwas siya ng tingin. Kinuha niya ang kapeng nakapatong sa center table at ininom iyon.

“I understand if you don’t wanna talk about him with me. Mas maigi nga iyon e.” sabi niya nang nakataas ang gilid ng labi. Saglit siyang hindi ulit nagsalita matapos ay bumaling sa akin.

Nang ibalik niya ang tingin ay ibang ngiti na ang nasa kanyang mga labi.

“Actually, Dad sent me here. Magpapaalam na dapat ako sa kanya when he told me that I need to go back in the Philippines for the opening of his business here. I’m going to manage it.” Ngumisi siya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon