Kabanata 20

6.3K 106 7
                                    

Hi! Pwede magtanong? Sino marunong at magaling gumawa ng cover? Para dito sa NNAP? Pagawa naman ako. :) Bibigyan ko ng dedication ang may gawa ng cover ng magugustuhan ko. At sige, may cameo kayo dito sa NNAP. Lalabas kayo sa isang chapter. XD Game? 

Sa mga hindi ko naman mapipili, bibigyan ko pa rin kayo ng dedication at gagawin kong side banner ang cover na gawa ninyo.

Of course, may credit yan sa kung sino mang gumawa. 

Sa mga interesado, i-message niyo lang ako dito sa wattpad. Salamat!

---

KABANATA 20 — Carrive

“Waiter, one more please.” Sabi ko sa bartender na ang tinutukoy ay ang baso na kanina lang ay may lamang tequila.

Inabot nito sa akin ang hiningi ko at talagang gumuhit sa lalamunan ko ang alak nang inumin ko ito. Napangiwi pa ako at lumunok pa dahil sa pait ng lasa nito. Bakit ba ganito ako? Kung uminom ako parang 'di ako sanay sa alak. When in fact, nung nasa New York ako e hindi naman ako tinatamaan ng kahit anong pait ng alak na iniinom ko?

What happened to me? Mula nang makilala ko si Zac, hindi na ako bago sa mga alak at sanay na sanay na ako sa kanila. Even though Zac is a bit over protective and sometimes he doesn’t want me to drink, hinahayaan naman niya ako lalo na kapag sinisigurado ko sa kanya na tama lang ang iinumin ko. At dahil nasanay na ako, dahil madalas ako sa mga bar na pag-aari ni Zac, wala na sa akin ang kahit anong pait ng mga alak na iniinom ko. Hindi na rin ako madaling malasing. Minsan pa nga, kahit sobrang dami ko nang naiinom, nagagawa ko pa ring ipag-drive ang sarili ko at makauwi ng bahay ng walang nangyayaring masama sa akin.

I remembered the first time I got drunk. 'Yong halos wala na akong makita at hindi ko na makontrol ang mga kilos ko. Yeah, it was five years ago. That day, when I learned about Vincent’s dark secret.

It was summer. Ang lungkot ko nun kasi miminsan ko nalang makita si Vincent. Hindi kagaya dati na hindi ko man siya malapitan, makatabi o makausap, nagagawa ko naman siyang titigan araw araw habang nagle-lesson siya sa amin. Napapangiti nalang ako sa tuwing naalala ko ang mga panahong iyon. I seems like it was just yesterday. Malinaw na malinaw pa sa akin ang lahat. Pero isang araw, bigla ko nalang kinamuhian ang bawat alaala ko kay Vincent.

Five years ago, summer, month of May. Sa sobrang excited kong mag-enroll ay ang aga kong pumunta ng Formosa University. Three days ang enrollment for graduating students like me. Pero first day palang, ay mag-eenroll na ako. The night before that, tinext ako ni Vincent. He was making sure that I will be at school on the third day of enrollment. Sinagot ko siya ng oo. Sa araw naman na 'yon talaga dapat ako mag-eenroll dahil ayoko ng masyadong crowded kapag mag-eenroll na ako. At least baka pag nagpahuli ako, mas kaunti nalang ang tao at madali akong matatapos. But I changed my mind dahil sa araw na iyon ko muling makikita si Vincent matapos ng isang linggo. I was so excited na hindi na ako makapaghintay.

Hinatid ako ng driver namin at nasa parking space kami ng school nang mamataan ko ang kotse ni Vincent. Likod ng kotse ang nakaharap sa akin pero nakita ko pa rin ang tatlong ulo na nasa loob nun. Nagtaka ako at agad na kumunot ang noo ko lalo na nang mapansing babae ang katabi ni Vincent at mukhang bata ang nakaupo sa likod.

There are a lot of conclusions in my mind pero isinawalang bahala ko lahat 'yon. Nagkibit balikat lang ako. Isinukbit ko sa balikat ang bag ko at inayos ang paghawak sa envelope na dala ko.

Maglalakad na sana ako palayo sa kotse nang marinig ko ang boses ng isang bata.

“Daddy!” agad akong kinabahan nang marinig ko ang boses. Napalunok rin ako at umiling. No. The child is not referring to Vincent. No, he is not. Kinagat ko ang labi ko at hahakbang na sana ulit nang tawagin ulit ng bata ang daddy niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon