Kabanata 56

3.8K 79 7
                                    

KABANATA 56 — Father

Bukas na ng gabi ang wedding anniversary nila Auntie Kristin at Uncle Ver. Pinaalala sa akin ito ni Vincent sa isang text niya sa akin. Hindi ko rin naman ito nakalimutan dahil kinausap ako ni Auntie Kristin tungkol dito nang nasa FF building ako kanina. Nakalimutan niya raw itong sabihin nang nasa bahay nila ako. Iniimbita niya ako at iyon din daw ang pinasabi ng kanyang asawa.

Pamilya. Nakikita na nila ako bilang isang kapamilya. Noon natatakot pa ako sa tuwing maiisip ko na magiging mother-in-law ko si Auntie Kristin dahil sa kanyang personalidad ngunit ngayon ay hindi na. She is one of a kind. Parehas sila ng anak niya. May kakaibang personalidad sila na sa kanila mo lang makikita. Nakakatakot at nakakanerbyos sila ngunit kapag lubusan mo nang nakilala, malalaman mong mabubuti rin sila at madaling makasundo.

Iyan ang tingin ko sa buong pamilya ng Formosa. Kay Vincent pa lang ay napatunayan ko na iyan. Si Auntie Kristin na akala ko masungit noong simula ngunit masiyahin at palabati rin pala. Si Uncle Ver na kagaya ni Lolo ay ma-awtoridad ang dating ngunit isa ring padre de pamilya na walang ibang gusto kundi ang ikabubuti ng pamilya niya.

Ngayong nalaman ko na handa nang tanggapin ni Uncle Ver ang kanyang anak sa iba, umiiba na ang tingin ko sa kanya. Oo at hindi ko pa siya lubusang nakikilala pero sa tingin ko ay napatunayan ko na na mabuti rin siyang ama at ang tanging iniisip niya ay ang kabutihan ng kanyang pamilya.

Isa pa ay si Terrence. Noong una, ayaw ko sa kanya. Naalala ko nang una kaming magkita. Isang masungit at magagaliting Terrence ang nakilala ko. Sa Formosa University kung saan una ko siyang nakita habang pinapagalitan ang kanyang empleyado, una kong naramdaman na kakaiba siya. Pero hindi pala dahil kagaya rin siya ng ibang tao na masiyahin kapag kasama ang mga taong malalapit sa kanila.

Palabiro at pilyo si Terrence. Minsan ay ganito rin naman si Vincent ngunit mas madalas siya. Naalala ko ang lahat ng mga pang-aasar niya sa akin. Nakakainis ngunit nakakatuwa rin. Sa ilang araw na magkasama kami noon, naging komportable agad ako sa kanya at nakahanap ng bagong kaibigan. Hanggang ngayon, nasasayangan pa rin ako dahil kung gaano siya kabilis nakapasok sa buhay ko, ganun din kabilis siyang nawala.

Kung sana lang talaga ay may magagawa ako para maibalik ang pagkakaibigan naming dalawa.

Bukod kay Auntie Kristin, isa si Terrence sa mga dahilan ng pag-aalala ko ngayon. Malalaman na ng pamilya nila ang tungkol kay Carrive at malamang, magugulat si Terrence dito. Paano niya ito dadalhin? Hindi ko alam. Kung sakaling hindi matanggap ni Terrence si Carrive, madadagdagan pa ang sakit na dinulot ko sa kanya.

Gusto ko sanang kausapin si Vincent tungkol dito. Nag-aalala ako para sa kapatid niyang si Terrence at kahit na may alitan sa pagitan nila, alam kong ganoon din siya. Kung pwede ay si Terrence muna ang unang sabihan niya ng sikreto upang handa ito. Pero hindi pala pwede.

Vincent:

Terrence is nowhere to be found. Tinatawagan siya nila Mama pero out of reach palagi. I don’t think I could talk to him about this.

Iyan ang reply ni Vincent nang i-text ko sa kanya ang suggestion ko. Bumuntong hininga na lamang ako at nag-isip kung paano ako makakatulong dito.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon