Kabanata 1

12.1K 220 4
                                    

A/N: Kabanata 1 na! Sana suportahan niyo po hanggang last. :) Enjoy reading.

Follow me on Twitter: @PollyNomialWP or click External Link. 

KABANATA 1 — Malalagkit na tingin

“Chest, 34. Waist, 23. Bottom, 35…” patuloy ang pagsukat ko sa babaeng nasa harap ko habang sinasabi sa assistant ko ang mga measurements na nakukuha ko. Nang matapos ay pinakita ko na ang plano kong design ng gown niya.

“Oh my god! This is really beautiful. You’re the best Ms. Ella.” Tinakpan ni Amanda ang bibig niya habang manghang mangha na nakatitig sa pinakita kong sketch ng gown niya.

“Oh, not really. I think the style isn’t enough yet. You have suggestions? Do you wanna add some raffles here or sequins or... anything. How about swarovski?”

“Calm down. Oh god. You really don’t have the confidence, you know. You’re good, Ms. Ella. Ang cool na kaya nito. I’m sure Eric will love this.” Niyakap pa niya ang sketch ng gown niya.

“You sure? Pwede ko pang baguhin yan. Like, you know, hmm.” Nag-isip ako ng iba pang pwedeng bagay na design sa katawan niya. I want her wedding to be perfect. I want everybody’s wedding to be perfect. That’s my job. I want to give them the best because they gave their trust on me.

“No, Ms. Ella. I told you. This is perfect. And I love it, very much!” matapos nun ay tinigilan ko na ang pangungulit sa kanya. Siguro naman ay nagandahan nga si Amanda dahil hanggang sa makaalis siya dito sa shop ko ay hindi na napawi ang ngiti sa labi niya. Pati ang boyfriend niyang kano ay nagandahan din sa ginawa kong design.

“Ms. Ella, do you still need anything?” tanong ni Nerissa sa akin, ang assistant ko.

“No, Neri. You can go home now.” Nakangiti kong utos ko sa kanya at tinuro ang pintuan.

“Thank you, Ms. Ella. Take care.”

“Take care.” Pagkasabi ko nun ay lumabas na siya. Sinilip ko ang bintana at nakita ang labas. Tahimik na ang kalsada ng New York. Most of the time, dito sa lugar kung saan nakatayo ang shop ko, ay wala nang tao sa labas ng seven ng gabi. Hindi kagaya sa Pilipinas na hanggang madaling araw ay gising ang mga tao.

Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa drawer ang sketchpad ko. Isang buong araw nanaman ang nagtapos. Uuwi nanaman ako ng bahay at matutulog, pagkatapos nun ay gigising, pupunta ng shop at magtatrabaho. Paikot ikot lang. Cycle kumbaga. Ganyan ang takbo ng buhay ko dito sa New York. Walang thrill, puro trabaho.

Palabas na ako ng shop nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at sinagot.

“Hello, Zac?”

“Hi, Ella! How’s your day? Are you on your way home?” tanong ni Zac sa akin, isa sa mga close friend ko dito sa New York.

“Nope. Still at the shop. Pero pauwi na dapat ako nung tumawag ka. Actually, nasa labas na ako.” Sabi ko habang nila-lock ang glass door ng shop.

“Good!” masayang sagot niya. “Wait for me, okay, I’ll be there in five minutes. I’ll pick you up.” Then he hung up the phone.

Napatingin nalang ako sa cellphone ko nang nakakunot ang noo. Ano naman kayang trip nitong si Zac at susunduin niya ako ngayon? Hindi naman sa hindi na iyon madalas gawin pero mukha kasing may iba sa boses niya kanina. Masaya siya?

“Ella!” tumayo ako sa inupuan kong bench dito sa park malapit sa shop ko nang tawagin ako ni Zac. Dito ako madalas maghintay sa kanya kapag susunduin niya ako.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon