Kabanata 70

4.4K 113 9
                                    

Final chapter! But not yet the end. May epilogue pa. Thank you so much for reading "Nasaan Na Ang Pag-ibig". Sana po ay suportahan niyo naman kami ni Amia sa "Better To Be". 'Yon na po ang focus ko pagkatapos nito. :)

---

KABANATA 70 — Forever

“Oh my gosh! Why are you so late! Ikaw talagang bakla ka!” tili ng bakla sa kararating lang niyang kasama. Tumawa na lang ako sa inasta nitong baklang tumitili dahil sa late na tinutukoy niya. Halata namang apat na oras pa bago ang kasal ko.

“Huh? Hoy, hindi ako late! We still have four freaking hours!” tinaas ng baklang napagalitan ang kanyang relo para ipakita iyon doon sa isa pa. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

“Kahit na! Dapat nauna ka pa sa akin dito! I’m your boss!” masungit na sabi ng ‘boss’ niya.

“Tumigil ka Roda, a! Hindi kita boss.” Umirap ito kay Roda na ngayon ay nakangiti na akong pinagmamasdan.

“Whatever you say, Rada.” Walang pakealam na sabi ni Rada sa kanyang kambal na si Roda.

Umiling ako at napangisi dahil sa kanila. Ang hyper ng dalawang baklang mag-aayos sa akin. Matagal na silang kilala ng aming pamilya at madalas ay sila ang pinapatawag ni Mommy tuwing may espesyal kaming okasyon na dadaluhan.

Kung tama ang natatandaan ko, high school ako noong una ko silang makita. Prom ko noon at sila ang naging hair and make up artist ko. Magaling sila. Ang ganda ganda ko noong prom ko.

“Shall we start?” tanong ni Roda. Hindi ako nalilito sa kanila dahil bukod sa magkaiba nilang damit, may malaking nunal si Roda sa noo at si Rada naman ay wala.

Tumango ako. “Sure.” Ngiti ko sa kanila. Nakaharap ako rito sa malaking salamin ng suite ko dito sa hotel. Ito ang hotel na pinakamalapit sa simbahan kung saan ako ikakasal. Malapit na pwede nang lakarin ang simbahang iyon. Nandito na kami mula pa kagabi at kasama ko si Vincent na nasa kabilang suite naman.

Napangiti ako sa dahilan niya nang tanungin ko kung bakit kailangan pa ng hotel eh kung tutuusin kaya naman gumamit ng kotse papuntang simbahan dahil malapit lang ito sa bahay naming dalawa.

“To make sure that you’ll be in our wedding.”

Kung makapagsalita siya akala mo ay tatakasan mo siya. Nag-check in kami rito at magkatabi pa ang mga kwarto namin.

Kinagat ko ang aking labi. Baka nga siya ang tumakas? Kinakabahan na rin tuloy ako. I need to make sure that he’s in the other room.

“Uh…” buka ko ng bibig upang makuha ko ang atensyon ng dalawa. “Rada?” tawag ko sa isa.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon