Kabanata 43

5.2K 106 5
                                    

KABATANA 43 — Priceless

Kinabukasan ay nangingilabot pa rin ako sa tuwing maaalala ang banta ni Vincent na kapag nakalimot ako, alam na ang mangyayari. Pinipilig ko ang ulo sa tuwing maiisip iyon. Parati nalang kasi siyang gumugulo sa isip ko. Ang pakiramdam niya sa akin, iyon ang parating laman ng utak ko.

Para mawala ang lahat ng isipin ay naghanda nalang ako para bukas. Bukas na ang pictorial ng bridal at formal gowns na ipe-present sa FF event. Ayaw ko man ay magiging busy ako ng tatlong araw. Baka hindi ko rin makita si Vincent sa mga araw na iyon kaya. Ang sabi niya, siya rin ay magiging busy. Sa tawagan nalang daw kami mag-usap o kaya ay text lang. Ngayon palang, nami-miss ko na siya.

Magkahalong saya at guilt ang naramdaman ko sa mga pangyayari kagabi. Nagi-guilty ako para kay Zac pero masaya ako dahil kay Vincent. Nagkakamali siya sa iniisip kay Zac ngunit hindi ko mapigilang matuwa na dahil sa yakapan naming dalawa ni Zac ay nagselos siya. Hindi naman talaga ako kinukuha ni Zac sa kanya. Naaawa pa nga ako sa tao dahil kaya niyang magparaya kahit na mahal niya ako. Ngayon, mas napatunayan kong totoong kaibigan ko si Zac. Dahil alam niya kung saan ako mas masaya at hahayaan niya ako roon.

Pumapayag ako sa gusto ni Zac. It may be hard for him but if loving me will make him happy, hindi ko na ipagdadamot iyon. Labis na patawad nalang ang hihingin ko sa kanya dahil wala akong maibibigay na sukli.

“Ella, ano pa bang kailangan mo?” tanong sa akin ni Nanay Linda. Tinulungan niya ulit ako na mag-empake ng mga gamit. Hindi naman gaanong marami ang dadalhin ko. Sapat na ito para sa tatlong araw.

“Pahingi nalang po ng jacket, Nay. Sa closet ko po sa bandang ibaba. Baka po kasi malamig sa gabi.” Nakaturo ako sa closet nang sabihin iyon sa kanya.  

Tinuloy ko ang pagtitiklop ng mga damit ko. Tagaytay at Batangas ang napiling lugar nila Nash at DB para sa pictorial. Sa simbahan kasi namin gagawin ito at ang sabi nila ay naroon daw ang ilan sa mga pinakamagagandang simbahan. Private lang din daw iyon kaya naman wala masyadong tao sa oras na mag-shoot na kami. Tatlong simbahan ang napili. Ang Transfiguration Chapel sa Batangas, Madre de Dios Chapel at Chapel on the Hill na parehong nasa Tagaytay. Nabanggit sa akin ito lahat ni DB nang makausap ko siya kanina sa cellphone. Hindi kasi ako naka-attend noon sa meeting kung saan pag-uusapan ang mga napiling lugar.

Tapos na akong mag-empake nang ipatawag ako ni Mommy. Hapon na at nalaman kong kararating lang nila galing Thailand para sa isang raw na business trip. Dumiretso ako sa opisina ni Mommy na katabi lang ng kwarto nila ni Daddy. Nadatnan ko siyang nakaupo sa couch at may binabasang diyaryo.

Lumapit ako at humalik sa pisngi nang makita niya ako.

“Mommy.” Ngiti ko. Hindi na ako kinabahan sa kanya dahil mukhang maaliwalas ang mukha niya.

“Ella, nakita mo na ba ito?” tumabi ako sa tabi niya habang inaabot ang diyaryong hawak niya.

Namilog ang mata ko sa nabasa. “Mommy, paanong naging headline 'to?” tanong ko sa kanya nang hindi makapaniwala.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon